MAAGA kaming umalis ng palasyo nila Kailyn. Hindi kami nag-eroplano dahil gusto namin magroadtrip. Hindi man ako pinayagan na lumibot without a body guard, hinayaan naman ako nila Kuya Kael na sumama sa sasakyan ni Kinnosuke. Siya kasi ang driver namin.
Walong oras ang naging biyahe namin papuntang Roppin. Dahil nasa pinaka-norte na parte ito ng bansa ay mahaba talaga ang biyahe. Medyo napagod nga si Kinnosuke kaya pagdating namin sa resort sa Roppin ay dumeretso ito sa kwarto nito para matulog. Naawa naman ako sa kanya dahil napagod siya sa pagdadrive.
Dahil excited ako sa dagat, nagpalit lang ako ng damit at nagpunta na sa beach. Madali ko naman kinuha ang cellphone ko para mag-selfie.
Tapos tiningnan ko rin ang mga litrato namin kanina habang nasa sasakyan. Tapos natuwa din ako sa kuha ni Kinnosuke sa amin ni Kailyn habang pabalik ng sasakyan after namin magstop over.
After ko pang magpicture sa beach ay bumalik na ako sa kwarto namin ni Kailyn. Pagpasok ko sa kwarto ay wala si Kailyn. Nagtaka naman ako kasi bago ako bumaba sa beach kanina ay nagsabi niyang magpapahinga lang daw siya.
Madali ko naman siyang tinext. Kinakabahan akong bigla na hindi ko naman siya makita. Buti na lang ay nagreply naman ito sa akin agad.
Nagmadali naman akong bumaba sa restaurant. Iba talaga ang nagagawa sa kanya ng free food. Pero hindi tumataba ang babaeng iyon kahit kain ng kain. Pumasok naman ako ng restaurant at nagulat sa nangyari.
BINABASA MO ANG
Love Me, Chef!
RomantizmSabi nila, the way to a guy's a heart is through his stomach. Pero paano kapag nangyari ito the other way around. Because of his yummy cooking and yummy looks, I was captivated. But what if it is more than that? Can you love me, chef? *The Cross and...