BAGONG term na at excited akong pumasok sa university. Nag-extend kasi sila Mama Cate at Papa Nathan sa palasyo. Sobrang na-miss ko ang mga magulang ko kaya nung nag-offer na ihahatid ako ni Papa sa university ay hindi ako tumanggi. Ganito kasi kami noong bata pa ako. Lagi nila akong hinahatid papunta at susunduin sa school.
"Have a great day, baby." sabi ni Papa Nathan.
"Thank you, Papa King!" sabi ko naman at hinalikan siya sa pisngi. I love it when he call me baby. Ako pa rin talaga ang bunso niya.
Pagbaba ko ng sasakyan ay tumakbo naman ako papunta sa cafeteria. Nandun na daw kasi sila Kailyn at Kinnosuke. As usual, nagbabangayan na naman ang dalawa dahil kinain ni Kinnosuke ang inihandang lunch ni Kai. Ibibigay niya daw dapat ito kay Freidrich. Iba ang tama ng kaibigan ko kay Freidrich. Di ko alam kung paano nagsimula pero nagulat na lang ako nung sinabi niyang crush niya ito.
Sakto naman ang pagdating ko ay ang pagtili ng mga babae sa loob ng cafeteria. Isa lang naman ang ibig sabihin nun ay nandito na ang Fire 3. Last term na nila sa university kaya nilulubos na ng mga babae na lapitan sila pero to no avail, wala sa kanila ang tinutugon ng grupo.
"Freid!" tawag ni Kai sa lalaki.
"Kai." malamig na tugon ni Freidrich sa kanya.
Lahat ng mga tao ay nakatingin sa kanila. Si Kai lang ang naglakas loob na tawagin siyang Freid. Ayaw na ayaw ni Freidrich na tawagin siyang ganun.
"Can we talk?" tanong ni Kai.
Bumilog naman ang mga mata ko at pati na rin ng ibang nanonood ng hinila ni Freid si Kai palabas ng cafeteria. Ang kaibigan ko, marami pang hindi nakekwento! Nagsalubong naman ang tingin namin ni Cross at yumuko lang ito sa akin. Ganun din naman si Ysaac sa akin. Naglakad na sila ulit at nagsunuran naman ang mga babae sa kanila.
Ganito naman palagi kapag umaga. Mga babaeng sunod ng sunod sa kanila. Pffft.
"Kai seems to really like that guy." sabi ni Kinchan.
"Kaya nga eh. Nagkwento na ba yun sayo?" tanong ko sa kanya pero umiling lang ito.
"Tara na nga. May klase pa tayo." umalis na kami ng cafeteria at dinala rin namin ang gamit ni Kailyn.
Usual class lang ang nangyari. Mas marami ngang gagawin this term pero alam kong kaya ko naman. Mas kaunti rin ang units ko compared last term kaya alam kong mas kakayanin ko ngayong semester.
Pagtapos ng klase ay umuwi na ako dahil nangako ako kay Tavi na maglalaro kami ngayong araw. May date kasi sila Kuya at Unnie kaya pinagbigyan ko na muna.
"Ang gatas, alam mo na kung saan kukunin, Nat." bilin ni Unnie.
"Opo, Unnie. Kanina mo pa po sinabi." sabi ko sa kanya.
"I am so stressed right now. Feeling ko ang pangit pangit ko na." sabi niya sa akin habang nakatingin sa full length mirror ko.
"Ano ka ba, unnie?! Ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko, aside from Mama." sabi ko sa kanya.
"Hindi talaga eh. I'm so stressed right now." sabi niya habang pinilit hinahanap ang mali sa itsura niya.
"Unnie, you are perfect lalo na sa mata ni Kuya Kael." pag-assure ko sa kanya.
Naramdaman ko naman ang pagkawala ng tense ng katawan niya sa sinabi ko. Nginitian ko lang siya at tinawag naman siya ni Kuya Kael. Nagpaalam lang kami ni Tavi sa kanila nung sumakay na sila sa sasakyan.
"Auntie, I want to go read." sabi ni Tavi.
"Weird mo talagang bata ka. Hindi ko alam kung kanino ka nagmana." sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love Me, Chef!
RomansaSabi nila, the way to a guy's a heart is through his stomach. Pero paano kapag nangyari ito the other way around. Because of his yummy cooking and yummy looks, I was captivated. But what if it is more than that? Can you love me, chef? *The Cross and...