Twenty-fifth Dish

112 2 1
                                    

NEVER have I ever been so bothered my entire life.

Pero kinalimutan ko muna. Malapit na ang finals namin. Kailangan kong mag-focus sa huling short film na ipapasa namin pati na rin ang mga kailangang ipasa na mga exams.

After nung nangyari sa sala ay hindi na ako nag-stay doon ulit. Kapag nag-aaral ako ay sa library o sa studio na lang ako nagkukulong. Kapag nandun ako ay magigising man ako kaagad kapag may papasok kung makatulog man ako.

Ngayon ang huling araw ng final exams. Papasok na kami sa classroom ni Kailyn nung bigla akong pinigilan ni Kinchan.

"Nat, buti na lang naabutan kita." hingal niyang sabi.

"Doon ka sa kabilang classroom mag-eexam di ba? Baka ma-late ka." concerned kong sabi.

"Magtatanong lang ako. Baka pwede kitang mayayang mag-date mamaya? Kahit sa Gilly's Bar lang tayo. Celebrate tayo." pag-aaya niya.

"Paano naman ako? Hindi niyo ako isasama?!" tanong ni Kailyn.

"Pwede naman. Kung sasama yung fiancé mong hilaw." asar ni Kinnosuke.

"Sasama yun. Baka nga magsama pa ng kaibigan." sabi ni Kai.

"Basta pupunta ka, Kai! Sige. Sabay na lang tayo pumunta dun after class." nginitian ko si Kinchan.

"Yes! See you! Good luck sa exam." bati niya at umalis na.

Napailing na lang kami ni Kailyn kay Kinchan. Kitang kita ang enthusiasm niya sa pakikipagdate sa akin. Siguro dahil ngayon ay talagang date na ang ginagawa namin. Hindi na basta basta na gathering lang ng magkakaibigan.

Pag-upo namin ni Kai ay may sampung minuto pa bago magsimula ang exam.

"Hey, kita ko naman ang effort ni Kinnosuke sa'yo, Nat. Hindi mo pa ba siya mabibigyan ng chance?" tanong niya.

"Malabo pa, Kai. Marami pa akong iniisip. Tsaka hindi pa talaga ako handa sa relasyon." sabi ko sa kanya habang nag-aayos ng mga ballpen.

"Sayang kasi, Nat. Nasasayang yung chance mo sa pag-ibig dahil lang kay Cross samantalang nandyan naman si Kinnosuke na mahal ka. Tsaka kilala ko kayong dalawa ni Kinnosuke. Why not?" tanong niya.

"Baliw. Hindi naman kasi ganun kadali na makalimutan si Cross. First love ko siya. Tsaka yung kay Kinchan, sinusubukan ko naman talaga na magustuhan siya pero hanggang kaibigan lang kasi talaga, Kai." sagot ko.

"We'll start the exam now." sabi ng proctor kaya umayos na kami ng upo.

Inabot ng dalawang oras ang exam. Nakakaubos ng brain cells pero kinaya ko namang sagutan. English Grammar ang subject na yun kaya keri lang sa pagsasagot. Medyo natagalan lang ako nung biglang may kasamang reading comprehension sa dulo.

Pagtapos ng exam ay tinawagan na kaagad ni Kailyn si Freidrich. For some reason ay bumait daw bigla si Freidrich sa kanya. At hindi na kasama palagi si Ate Krizell. Tinatanong naman niya si Freid pero hindi na lang siya sinasagot.

"Nat, Freid's asking if he can bring some friends with him." bulong niya sa akin.

"Pwede naman. Celebration to eh." nakangiti kong sabi.

Bumalik naman siya sa phone para ibalita iyon sa kausap. Sakto namang lumabas na si Kinnosuke sa classroom niya.

"Tara na?" tanong niya.

"Doon na didiretso si Freid with his friends. Sabay ako sa inyo." hinawakan na niya ang mga braso namin ni Kinchan.

"Backseat ka or mas better kung sa compartment ka na lang." pang-aasar ni Kinchan kay Kai.

Love Me, Chef!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon