Third Dish

103 3 0
                                    

Hindi ko alam kung paano pero naka-angkas ako sa bisikleta ni Cross ngayon. Nung nakita niya ako ay napaupo ako sa sahig dahil sa gulat. Matipid siyang nagtanong at puro tango lang ang nasabi ko.

"Wala kang sundo?" tanong niya at tumango ako ulit.

"Nasaan ang kasama mo kanina?" tanong niya ulit at yumuko ako.

Hindi na siya nagtanong at kinuha ang bisikleta niya.

"Angkas." sabi niya nang ma-awtoridad.

Tumayo naman ako at umupo sa likod niya. Nakahawak ako sa gilid ng damit niya. Ang lakas ng kapit ko pero wala kaming direct contact. Sobrang nahihiya ako ngayon. Hindi naman kasi kami talaga magkakilala. Kilala niya lang ako bilang prinsesa ng Isle Bellagio. Hindi naman kami magkaibigan pero nandito ako sa likod niya ngayon.

Kailangan kong magising sa panaginip na ito! Ginagawa niya lang ito dahil prinsesa ako.

Nakatingin lang ako sa likod niya na nakikita ko ang pagflex sa tuwing pumapadyak siya. Gusto kong haplusin pero... Nathalie! No!

Sinisita ko ang sarili ko sa aking isip dahil lalo kong nagugustuhan ang taong ito. 

Tumigil siya sa pagbabike nang mapansin ko ay ang gate ng palasyo. Nagulat naman ang mga guards nung makita akong bumaba sa bike ni Cross.

"Salamat." tipid kong sabi.

"Alis na po ako." sabi naman niya at pumadyak na ulit.

Gusto ko pa sana siyang tawagin pero mabilis niyang pinatakbo ang bike niya. Nagmadali naman akong pinapasok ng mga guard at hinatid sa main palace. Nakita ko rin doon si Kuya Ben na nakatingin sa cellphone niya. Mukhang naghihintay ito ng text ko.

"Kuya Ben." tawag ko sa kanya pagbaba ko ng caddy.

"Princess! Pinag-alala niyo kami!" sabi niya.

"Alam ba nila Kuya?" tanong ko sa kanya.

"Hindi pa. Sasabihin na sana ni Lady Sarah pero sabi ko ay maghintay lang." sabi naman niya.

"Na-lowbat po kasi ako. Sorry po kung nag-alala po kayo." paghingi ko naman ng tawad.

"Pumasok na po kayo. Nag-aalala na po si Lady Sarah." sabi naman niya.

Nginitian ko na lang siya at tumakbo na papasok ng palasyo. Madali ko rin Nakita si Lady Sarah na pabalik-balik ang lakad. Nag-aalala nga ito.

"Lady..." tawag ko sa kanya.

"Princess!" tumakbo naman ito at yinakap ako.

"Sorry, Ate Sarah." bulong ko sa kanya.

"Basta nakauwi ka ng maayos. Paano ka nakauwi?" puno ng pag-aalala niyang tanong.

"May naghatid po sa akin. Kilala ko naman po." sabi ko sa kanya.

"Palalagpasin ko ito ngayon, Nat. Lagi mo kasing dalhin ang powerbank mo!" sabi niya at inabot sa akin ang isang parang kahon na plastic. Ang aking mahiwagang power bank!

Thank you, power bank. Pasimple akong napangiti ng hawakan ko ito.

Lakad takbo naman akong pumunta sa kwarto para magbihis na at matulog. Walang patid ang ngiti ko sa tuwing naalala ko ang likod niya. Ang damit niyang hawak ko. Kung gaano kami ka-close. Yung pawisan niyang likod.

Love Me, Chef!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon