Fourth Dish

93 3 0
                                    

DALAWANG linggo na mula nung nagkabungguan kami at nasalo niya ako. Nagkaroon na kami ng physical contact at nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy sa katawan ko. Katulad ng pagbigay ng mga tuhod ko nun ay bumigay na rin ang puso ko.

Nandito kami ngayon sa school grounds dahil nagkaroon kami ng free cut ni Kailyn. Hindi namin kaklase sa subject na yun si Kinchan kaya kaming dalawa lang. Sakto rin dahil kailangan kong mag-open up sa best friend ko.

"Kailyn..." sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Ano yun?" tanong niya habang kumakain ng siopao.

"Ano kasi... May aaminin ako." sabi ko sa kanya.

"Anong aaminin mo?" nagtataka niyang tanong.

"Ano kasi... Ano... May crush ako." pag-amin ko.

"Siomai! Kanino?!" napalakas na tanong niya.

"Shhhh! Huwag ka maingay!" saway ko sa kanya.

"Eh kanino nga?!" Bulong niya.

"Kay ano... Kay Cross." mahina kong sabi.

"Kanino?! Ang hina! Di ko marinig." nilapit niya ang tenga niya sa akin.

"Cross." sabi ko ulit.

"Siopao na gawa sa pusa! Nat! Hala!" napasigaw na siya kaya tinakpan ko ang bibig niya para hindi na makagawa pa ng ingay.

"Paano? Kailan?!" tanong niya.

At kinwento ko sa kanya lahat ang mga nangyari. Simula sa pagluto niya ng almusal namin sa umaga, ang pasimple kong pagbisita sa kusina para magpapansin, ang paghatid niya sa akin sa palasyo, ang paghiwa niya ng mansanas at ang pagsambot niya sa akin nung magkabungguan kami.

"Tinamaan ka na nga!" she concluded.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko." sabi ko sa kanya.

"Sigurado ka na ba? Crush lang ba? O baka in love ka na?" tanong niya.

"Hindi ko nga sigurado eh. Basta ang alam ko, kinakabahan ako kapag nandyan siya... kinikilig ako kapag nagtatagpo ang mga mata namin sa palasyo... kahit dito sa school!" sabi ko.

"Tinamaan ka nga ng lintik! Lintik na pag-ibig!" natatawa niyang sabi.

"Ano ng gagawin ko?" nakapangalumbaba na ako.

"Alamin mo muna kung in love ka na ba talaga sa kanya. Based naman doon sa kwento mo ay feeling ko may gusto na rin siya sayo eh." pang-aasar niya.

"Sa tingin mo?" nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya.

"Basta. Obserbahan muna natin. Tapos araw-araw mong tanungin ang sarili mo kung mahal mo na ba siya." sabi niya at tinapik ang balikat ko.

"Oh well... Bahala na. Pero bakit nga ba ako nagtatanong sa'yo. Wala ka naming love life eh." pang-aasar ko naman sa kanya.

"Walang hiya ka!" tumayo siya na akmang sasabunutan ako pero nakailag at nakatayo ako kaagad.

Naghabulan lang kami sa field hanggang sa may makita ako na nakaupo sa isa sa mga benches sa di kalayuan. Nagtatawanan sila. Ang Fire 3 at kasama nila ang iba pa nilang babaeng kaklase.

"Bruha ka!" sigaw ni Kailyn sa akin.

Natawa na lang ako pero madaling nawala ang tawa ko nang magtagpo ang mga mata namin ni Cross. Siniko naman ako ni Kailyn kaya napalingon na ako sa kanya. Nagtaas baba ang kilay niya. Nang-aasar talaga siya.

"Bruha ka rin!" hinabol ko naman siya at ang lakas ng tawanan namin.

Napagod rin kami at bumalik sa kinaroroonan ng gamit namin. Kinuha na namin ito at pumunta na sa susunod naming klase.

Love Me, Chef!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon