Twenty-sixth Dish

103 3 7
                                    

KINABUKASAN ay nagising ako sa kaguluhan sa baba. Sinuot ko ang robe ko at nagmadaling bumaba. Pagdating ko sa second floor ay pinigilan ako ni Lady Sarah.

"Hindi ka nila pwedeng makita na nakaganyan." sabi ni Lady Sarah.

"Anong nangyayari?" tanong ko.

"Dinadampot ng pulis si Cross. Nireklamo siya ni Kinnosuke ng pambubugbog." balita niya sa akin.

"Pakisabi sa mga pulis na hintayin akong bumaba bago nila dalhin si Cross. Alam ko ang nangyari kagabi. Pakitawagan na rin si Tita Yuri at si Ate Mina. We need the best lawyers to help." sabi ko sa kanya at tumakbo na paakyat sa kwarto ko.

Si Tita Yuri ang kapatid ni Tito Kael, ang nagsagip kay Mama Cate noon. Si Ate Mina naman ang anak nila Ninong Dart at Ninang Krae na matalik na kaibigan din nila Mama.

Pagbaba ko sa sala ay nakaupo ang mga pulis habang nasa pang-isahang upuan si Cross habang nakaposas. Naawa ako sa kanya.

"Princess..." tumayo sila at nag-bow.

"Tanggalin niyo ang posas niya." ma-awtoridad kong sabi.

Dali-dali namang tinanggal ng isang pulis ang posas ni Cross.

"May alam daw po kayo sa nangyari, Princess." sabi ng hepe nila.

"Opo. Kaya kung kailangan niyo ng statement ko para lang mapatunayan na inosente si Cross ay sasama ako." sabi ko sa kanila.

Pinatawag naman ni Lady Sarah si Kuya Ben at sumunod kami sa mga pulis at kay Cross.

Pagdating namin sa presinto ay maraming nakaabang sa press. Bago kami bumaba ay pinasabi ko sa mga pulis na gumawa ng paraan para hindi kami makita nila Cross. Kung kailangang dumaan sa likod ng police station ay gagawin. Ayokong magkaroon ng masamang imahe si Cross. Mayaman sila Kinnosuke pero siya ang mali. At gagawin ko lahat sa kapangyarihan na meron ako para masalba si Cross.

Sa likod nga kami dumaan at madaling in-escort ng mga pulis at ng aking mga body guards. Pagdating namin sa loob ay pinapunta kami sa isang conference room para hindi mapagpiyestahan ng media. Nandun na si Kinnosuke kasama ang lawyer niya. Mabuti na lang ay nandun na rin sila Tita Yuri at Ate Mina.

Nag-bow naman sila sa akin para sa pagbati.

"Princess, kukuhanan ka po namin ng statement. Kahit doon po tayo sa office ko na lang." Suhestyon ng hepe.

"Ako na ang sasama kay Nathalie." tumayo na rin si Tita Yuri.

Pumunta na kami sa opisina ni chief at tinanong nila ako sa kung anong nangyari nung gabi na yun. Sinabi ko ang lahat. Mula sa pangmomolestya ni Kinnosuke sa akin hanggang sa pagsagip sa akin ni Cross.

Tumagal ng 30 minutes ang pagtatanong nila. Pabalik na sana kami sa conference room ng biglang tumawag si Kuya Kael.

"Hello, Kuya." sagot ko.

"Nasa presinto ka daw? Bakit hindi mo sinabi sa amin ito, Nathalie. I am going there." alalang sabi niya.

"Sa back door kayo dumaan, Kuya. As much as possible ayokong malaman ng media ang mangyayari. Please block them, Kuya. I'm trying to save Cross." sabi ko sa kanya.

"I understand. Sige. Malapit na kami diyan. Butler Choi and Butler Kim are handling the media." sabi niya at binaba na ang telepono.

Pagpasok namin sa conference room ay nandoon na rin si Cross. Kanina kasi ay kinuhanan din siya ng statement kasama si Ate Mina.

"Sigurado po ba kayo, Princess?" tanong ni chief.

Love Me, Chef!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon