Sixth Dish

106 3 0
                                    

AS a way of coping up sa rejection niya sa akin, as much as possible ay hindi ako gumagawa ng paraan para magtagpo kami. Ang breakfast ko, pinapabaon ko na lang kela Lady Sarah. Sa school ko na lang ito kinakain. Madali lang naman mag-rason kela Kuya kaya ayun. Hinahayaan na lang nila ako. I tried na tanggihan ang breakfast pero napagalitan lang ako ni Kuya Kael kaya sabi ko ay ibaon ko na lang.

Buong linggo ang sportsfest pero sa main events lang talaga ako pumunta. Except lang nung niyaya ako ni Sarang Unnie na manood ng basketball game ni Kuya Kael. It was a game of Royal Guards vs. Royal Kitchen. Sa Royal Guards kami kaya doon kami pumwesto sa side nila. Hindi na rin ako nagulat na kasama siya sa basketball team nila Chef Lou. 

"Manonood ako ng basketball game. Sama ka, Nat!" paghila sa akin ni Sarang Unnie.

"Teka lang, unnie!" pagprotesta ko dahil nanonood ako ng isang movie sa phone habang nasa library kami.

Nagpatianod na lang ako sa paghila niya hanggang makarating kami sa gymnasium. Half time na ito kaya nagpapahinga ang mga players habang may nagpeperform na banda sa court. Lamang ang royal guards sa score na 57 - 42. Lumapit naman kami kela Kuya Kael dahil bibigyan daw ng tubig at lakas ng loob ang asawa niya.

"Thank you, my winter." sabi ni Kuya tapos pinisil ang ilong ni Unnie.

Lahat naman ng guards ay tila nang-asar kela Kuya kaya sobrang namula si unnie. Ang cute talaga nilang dalawa.

"Princess Nathalie!" tawag sa akin sa kabilang court.

Tiningnan ko naman ito at kumaway. Si Chef Lou pala yun. Sumenyas siya na maghintay lang ako sandali at pupunta siya sa akin. May kinausap lang siya mula sa team bago ito pumunta sa akin. Nagbow naman ito at tinugon ko naman.

"Maraming salamat po at nandito ka. Ilang araw na po kasi kitang hindi nakita." hinihingal pa niyang sabi.

"Ano po ba yun?" tanong ko naman.

"Tungkol po pala dun sa deal natin. Hindi na po kita matuturuan dahil may binigay na project sa akin ang King. May state dinner daw kasi kaya doon muna ako magfofocus." sabi niya.

"Ganun po ba? Okay lang naman po kung mapopostponed yun." sabi ko naman at ngumiti.

"Hindi po. Nakahanap na ako ng papalit sa akin na magturo sa'yo magluto." sabi naman niya.

"Talaga po? Sino naman po?" tanong ko.

"Si Cross." he said as a matter-of-factly.

"Hindi na po kailangan..." I trailed off when the buzzer rang. Start na ulit ng laro.

Nagpaalam lang si Chef Lou at bumalik na sa kanyang team. Todo cheer naman kami ni unnie kela Kuya Kael pero lumapit na ang score ng royal kitchen. 60-57 na! May isa kasi sa kanila na parang tinodo ang laro. Si Cross. Sa kanya laging pinapasa ang bola kaya nakakascore sila. Narinig ko pa ang bulung-bulungan sa likod ko ng mga babae na kanina pa nanonood.

"Kanina, wala siyang gana. Ngayon, ayan na!!!" sigaw nung isa.

Napatingin naman ako at saktong naka-score ng three points si Cross. Pagtapos niyang makipagkamay sa mga ka-team niya ay biglang nagawi niya ang tingin sa akin. Matagal bago siya umiwas ng tingin, ganun din naman ako. Pero dahan-dahan kong hinawakan ang dibdib ko. Pinakiramdaman ko. Ganun pa rin. Nagkakarera pa rin ito.

In the end, nanalo ang royal kitchen. Dahil kay Cross.

"Alam mo yung hinihilom ko pa ang sugat ng kahapon pero heto na naman siya at lumalapit." sabi ko sa sarili habang nagsusuklay ng buhok.

Love Me, Chef!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon