Sabi nila, the way to a guy's a heart is through his stomach. Pero paano kapag nangyari ito the other way around. Because of his yummy cooking and yummy looks, I was captivated.
But what if it is more than that?
Can you love me, chef?
*The Cross and...
MALAPIT na ang kasal ni Kuya Liam at Ate Ana kaya sobrang naging busy kami sa palasyo. Marami rin akong nalaman sa kwento nila dalawa. Nakilala ko na rin ang kakambal ni Ate Ana.
Nagpanggap si Ate Ana na kakambal niya noon nung nagkita sila ni Kuya Liam sa Pilipinas. Kaya pala nagmamadali noon na umalis si Ate Ana. Hindi daw mahanap ang kapatid niya kaya pinahanap sa kanya ang kapatid niya. At doon na siya nagpanggap at nakilala ni Kuya Liam.
"Handa na ba ang mga bulaklak?" tanong ko sa staff.
"Okay na po, Princess." sagot nila.
Ako kasi ang naging punong abala ng wedding nila. Ilang oras na lang ay ikakasal na sila. Kaunti lang ang imbitado. Mga malalapit na kaibigan at kamag-anak lang ang nasa guest list. Kasama rin sila Kai, Freid, at Cross. Pero sabi ni Cross ay hahabol na lang sila ni Freid pagkatapos nila sa restaurant.
"Okay na ba ako, Nat?" tanong ni Kai.
"Oo! Ang ganda mo, Kai! Laglag panga ni Freid sa'yo mamaya! Sure ako diyan!" sabi ko sa kanya.
She's wearing a flirty red dress. Bagay naman sa kanya at sa personality niya kaya thumbs up kami sa itsura niya ngayon. Alam kong marami ring kalalakihan ang mga nakatingin sa kanya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Nako! Laglag panga din ni Cross sa'yo mamaya. Sure ako diyan!" sabi niya sa akin.
"Ewan ko sa'yo!" natatawa kong sabi sa kanya.
Umupo na siya sa kanyang upuan sa aming garden. Dito kasi nila napiling magpakasal. Significant daw ito para sa kanila dahil dito daw sila ulit nagkita after ng paghahanap sa kanya ni Kuya Liam.
Pumunta muna ako sa powder room para ayusin ang aking sarili. Ramdam ko kasing haggard na ako sa pag-aayos at pag-aasikaso sa wedding at sa guests.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Princess, magsisimula na po ang wedding." katok sa akin ni Butler Kim.
Pagbalik ko sa garden ay nandun na ang lahat ng guests. Nakita ko na rin si Kuya Liam na nakikipag-usap kay Kuya Kael at Papa Nathan.
"Ayos na tayo mga kuya. Magsisimula na ang ceremony." sabi ko naman sa kanila.
Pumila naman ang entourage. Nagsimula na silang maglakad ng tumugtog na si Papa Nathan ng piano.