Fifth Dish

97 3 0
                                    

SINCE that day, I decided na kailangan ko na rin siyang mahulog sa akin. Dapat magustuhan niya rin ako. Kasi alam ko. Sure na ako ngayon.

Mahal ko nga ang lalaking iyon.

Ang bilis ba? Wala naman kasing mabilis o mabagal sa pag-ibig. Kapag mahal mo, mahal mo.

Nandito ako ngayon sa kitchen. Sinakto kong wala siya sa palasyo. Free day niya ngayong linggo pero dahil sa request nila Mama ay nagluto ito ng breakfast ko.

I started baking my signature cookies. Walang makakahindi sa cookies na ako ang gumawa. May kasama kasi itong tender, loving, care. Ako din ang nagformulate ng recipe na ito kaya walang lugar na makakatikim nito. Espesyal ka kapag nakakain ka ng cookies na gawa ko.

Isinalang ko na sa oven ang mga cookies at nagsimula na akong magligpit. Bukas na kasi ang pre-pageant kaya balak ko ng magconfess sa kanya. Sasabihin ko sa kanya na gusto ko siya. Tapos ngingiti siya sa akin tapos... tapos...

"Princess, tapos na po ba kayo?" napapitlag naman ako sa pagkakahawak ko sa counter.

"Nasa oven na ang cookies." sabi ko kay Chef Lou, ang head chef.

"Naku. Sino naman kaya ang lucky person na makakakain ng cookies mo? I bet that person is special." sabi niya habang tinutulungan akong maglinis.

"Yeah..." napangiti ako sa sagot ko.

Kay Chef Lou ko una pinatry ang recipe ko at may approval niya ito. Galing na yun sa isang world renowned chef na masarap ang cookies ko! Kaya mataas ang kumpiyansa ko na magugustuhan niya iyon.

"By the way, I remember your favor." sabi niya sa akin.

"Oo nga po pala. Nung vacation ko pa po hiniling yun pero wala pa rin po kayong sagot sa akin." Sabi ko naman sa kanya.

"Well, pwede naman kitang tulungan pero after na ng sportsfest ha. Busy kasi talaga ngayon." sabi naman niya.

"Wala pong problema. Excited na po ako." Sakto naman at tumunog na ang oven.

Pina-cool down lang namin sandali ang cookies bago kainin. Wala na kaming sinabi ni Chef Lou kundi 'hmmm' at 'yuuummm' habang kumakain ng cookies. Masarap naman kasi talaga iyon.

Ang sportsfest kasi ay ginaganap sa one-week long holiday ng Isle Bellagio. Ito kasi ang foundation week ng Isle Bellagio. Maraming events ang palasyo pero mostly naman na pumupunta doon ay ang first family. Ako ay sa mga ibang events pumupunta.

DUMATING na ang gabi ng pre-pageant at nakahanda na ang stage sa gymnasium. Marami rin ang dumating na empleyado ng palasyo para suportahan ang kanilang pambato. Kami naman ay nasa special area. Nasa bag ko na ang cookies at ang sulat ko para sa kanya. Nagbihis pa ako ng medyo espesyal para sa event na ito. Nag-ayos din ako ng light make-up.

Ilan pang sandali ay nagsimula na ang programa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilan pang sandali ay nagsimula na ang programa. Isa isa na silang lumabas. Paglabas niya ay hindi magkamayaw ang mga babae. Wala kang maririnig na cheer para sa ibang kandidato dahil puro si Cross ang sinisigaw nila. May mga pamilyar na mga babae akong nakita at mukhang mga taga-IBU ang mga ito.

Love Me, Chef!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon