PAGBALIK ko sa palasyo ay naging busy na ako sa function. Dumating kasi ang hari ng Thailand kaya naging busy kami. Ako rin kasi ang nag-organize ng cultural shows para sa kanila. Marami rin naging bisita dahil nagdatingan ata ang buong angkan ng hari.
Pagtapos ng bisita nila ay bumalik na ako sa movie namin nila Voltaire. Tapos na rin sila sa shooting nila sa Roppin at dito na sila sa capital magshushooting.
Araw-araw naman kaming magkausap ni Cross sa telepono o kaya sa skype. Marami pa daw siyang inaasikaso sa franchise ni Freid ng J'adore Les Pommes kaya hindi pa siya makabisita sa akin. Naiintindihan ko naman iyon kasi ginagawa niya rin yun para sa pamilya niya. Gusto niya daw kasi na maging maayos ang restaurant sa Roppin bago siya mag-open dito sa capital.
"Nat, dumating na si Lizzy." sabi sa akin ng production assistant.
"Pag-ayusin mo na. Siya na ang susunod na eksena." sabi ko naman.
Ishushoot na namin ang mga huling eksena ng pelikula kaya puspusan na rin kami. Simula nung function ay wala pa akong matinong pahinga.
"Namumutla ka na, Nat." saway sa akin ni Voltaire.
"Kulang lang sa tulog, V. Tapusin na natin itong movie na to para makatulog na ako." pabiro kong sabi.
"Naku. Bilisan na natin. Ayoko naman na sugurin ako ni Cross dahil nagkasakit ka." natatawa niyang sabi.
Pinatawag na namin ang mga gaganap. Mahaba ang naging eksena at shooting namin. Inabot ito ng walong oras at natapos ng alas kwatro ng umaga. Tinapos na talaga namin ang buong pelikula kaya tinodo na namin.
Pagkatapos namin ay tumulong na ako sa pagliligpit ng mga equipment sa set. Bigla naman akong nilapitan ni Kai.
"Nat, saan ka uuwi ngayon?" tanong niya sa akin.
"Sa condo na muna siguro. Bakit?" balik kong tanong.
"Pwede bang makistay muna sa'yo?" tanong niya at ngumiti ng nakakaloko.
"Don't tell me, pinalayas ka na naman ng landlady mo sa apartment mo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi. Pagod na kasi talaga ako kaya gusto ko na matulog." sabi niya.
"Sige. Start mo na yung sasakyan. Patapos na ako dito." sabi ko at inabot ang susi ng sasakyan ko.
Excited naman niyang kinuha ang susi ko at tumakbo papuntang parking lot. Naaawa nga ako kay Kai dahil pang-ilang lipat na niya ng apartment yun dahil lagi siyang pinapaalis ng walang dahilan.
Kumuha ako ng condo dahil mas nadadalian ako sa trabaho. Sa taas lang kasi ito ng office namin kaya hindi na ako nahihirapan. Kung sa palasyo pa ako titira ay malayo ito doon. Mahaba-habang diskusyunan ang ginawa namin ni Kuya Kael pero sa huli ay pumayag na rin siya. Ang mga bodyguards ko naman ay nakamtyag lang sa malayo kaya parang malaya rin ako sa gusto kong gawin.
Pagdating namin sa condo ay nauna na siyang naligo. Ako naman ay kumain muna ng tinapay dahil medyo nagutom ako. Pagtapos niya ay sumunod naman ako na naligo.
Saktong paglabas ko ng banyo ay nagring ang phone ko.
"Hello?" bati ko.
"Good morning, mon amour." sagot niya.
"Good morning."
"Hmm? Mukhang bagong gising ka." pang-uusisa niya.
"Nope. Kakauwi pa lang namin. I'm just getting ready to sleep." sabi ko habang nagsusuklay.
"Matulog ka na, mon amour." sabi niya at rinig ko ang pag-aalala niya.
BINABASA MO ANG
Love Me, Chef!
RomanceSabi nila, the way to a guy's a heart is through his stomach. Pero paano kapag nangyari ito the other way around. Because of his yummy cooking and yummy looks, I was captivated. But what if it is more than that? Can you love me, chef? *The Cross and...