Second Dish

143 1 0
                                    

Ilang araw na rin mula nung nangyari yung sa garden. Nagulat ako na nandun din siya.

Nakatingin lang din ako sa salamin habang sinusuklay ang aking buhok. Palagi na lang umuulit sa isip ko yung nangyari sa garden.

"Good evening din." sabi ko naman.

"Pasok na po kayo. Mahahamugan kayo." sabi niya. Concerned siya?! Ayeee!

"Ay sige. Alis na ako. Salamat." sabi ko at tumakbo na pabalik sa palasyo.

Chance na yun eh! Makakapag-usap na kami! Chance ko na para maging close siya pero pinalampas ko! Nauna ang hiya! Naiinis ako sa sarili ko.

"Princess Nathalie, hinahanap na po kayo sa baba." pormal na sabi ni Lady Sarah.

Gets ko naman kapag ganito na siya umakto. Seryosong hinahanap na ako. Parang magkaibigan kami ni Lady Sarah kapag kami lang ang magkasama. Hiling ko na rin kasi iyon sa kanya.

Dali-dali naman akong bumaba sa dining area at nagulat ako sa nadatnan.

"You are going to be a great chef." sabi ni Kuya Kael sa chef na pinatawag niya.

"Oh, andito na pala si Nathalie. Totoo naman ang sinabi ni King Kael, Nat di ba? Hindi ka na inaatake ng stomach flu simula nung siya ang nagluluto ng breakfast." sabi ni Sarang Unnie.

Umupo na ako sa aking upuan at nakita kong kumunot ang noo niya sa sinabi ni Sarang Unnie.

"Opo. Thank you, chef." mahina kong sabi.

"By the way, Cross, balita ko ay ikaw ang pambato ng Royal Kitchen para sa Mr. and Ms. Palace." sabi ulit ni Kuya.

"Opo." tipid niyang sagot.

"Nako. Mukhang mananalo ang royal kitchen dahil sa'yo. Well, good luck sa inyo. May pasok ka pa di ba? Tutal may almusal na kami, we can dismiss you. Baka ma-late ka pa." natatawang sabi ni Kuya Kael while looking at me. He is mocking me. Wait, does he know?!

"Oo nga. Huwag kang tutulad dito kay Princess Nathalie na mabagal gumalaw." pang-aasar ni Kuya Liam.

Nagsama pa ang dalawang kumag. Urrrgh! Namumula ako sa inis.

Yumuko na lang ako at nagsimula nang kumain. Napansin ko na lang din na nagbow siya at lumabas na ng dining area.

"Kuya! Why did you have to say that?! Schoolmate ko yung tao baka kung anong ibalita nun sa school!" saway ko naman sa kanila.

"Totoo naman, Nat. Fact na yun sa ating pamilya. Tsaka Cross is not that kind of person na magsspread ng rumors." sabi naman ni Kuya Liam.

"You did a background check?" tanong ko.

"Well, I am in charge of the foundation. I came across his profile and with what I read, he is a good guy." sabi ni Sarang Unnie habang sinusubuan si Tavi.

Tahimik na lang ako buong breakfast at nagpaalam sa kanila. Nagpahatid ako kay Kuya Ben papuntang school. Wala kasing pasok si Tavi dahil foundation day daw ng school nito.

Habang nasa sasakyan ako ay iniisip ko pa rin ang nangyari sa garden at ang nangyari kanina. Ano nang mukha ang ihaharap ko kay Cross niyan?! Hindi pa nga kami masyadong magkakilala pero may impression na siya. Nakakainis!

"Princess, nandito na po tayo." sabi ni Kuya Ben.

"Salamat po. Itetext ko na lang po kayo kapag magpapasundo na ako." sabi ko naman at bumaba na.

" sabi ko naman at bumaba na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Love Me, Chef!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon