Twentieth Dish

126 2 0
                                    

ISANG linggo matapos kong ipasa ang form ay wala pa ring ibang nakakaalam na nagpasa na ako ng form. Kahit si Kailyn ay hindi ko talaga sinabihan. Kahit araw-araw niya akong kinukulit. Ngayong araw na ring ito ay lilipat na ako sa West Palace. Tapos na kasi ang renovations nito at pinayagan na akong bumukod ni Kuya Kael. Tamang tama lang ito dahil kailangan ko ng private space.

Maluwag ang West Palace. Mas malaki pa ito sa East Palace na tinirhan dati nila Kuya Kael. 

May tatlo itong floors at kaya natagalan sila sa pagrerenovate dahil minodify nila ang mga kwarto para magkaroon ako ng isang studio at mini theatre

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May tatlo itong floors at kaya natagalan sila sa pagrerenovate dahil minodify nila ang mga kwarto para magkaroon ako ng isang studio at mini theatre. Pero kahit malawak ito ay intimacy elements pa rin ang West Palace.

Ang living room, dining room at kitchen ay magkakalapit lang. Parang normal na bahay lang. Ni-request ko to dahil gusto ko rin maging simple ang set-up ng loob ng palasyo. Maraming guest rooms para kapag gustong mag-stay dito ng mga kaibigan ko o kaya nila Mama Cate.

"Princess, dinner is served." sabi ni Butler Kim sa akin habang nagbabasa ako ng libro sa aking library.

Tumayo naman ako at pumunta na sa dining room. Kumpleto ang staff ng aking kitchen. Ang servers, iilang chef... at ang head chef ng West Palace, si Cross.

"The appetizer for tonight is Eggplant and Tofu Millefuille." sabi ni Cross at pagserve naman nito sa akin.

" sabi ni Cross at pagserve naman nito sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi na ako nagsalita at kumain na lang. Hindi ako nagpasalamat o nagpakita ng pagkagusto sa pagkain. All through out the dinner ay nakastraight face lang ako. Wala ako sa mood para magbigay ng papuri. Masarap ang dinner pero parang hindi siya matanggap ng sikmura ko.

"May problema po ba, Princess?" tanong ni Lady Sarah.

"Wala lang siguro akong gana. Salamat sa dinner. Excuse me." sabi ko at tumayo na.

Bumalik na ako sa aking studio at bumalik na sa pag-eedit ng short film. Kailangan ko itong mapasa bago ako umalis papuntang Seoul. Nakarinig lang ako ng katok habang nag-eedit ako.

"Pasok." sabi ko.

"Nat..." napalingon ako sa pinto at napansin si Lady Sarah.

"Bakit po?" tanong ko.

Love Me, Chef!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon