HINDI pinahawak ni Kai ang phone ko sa akin buong araw. Ibibigay niya lang ito kapag galing sa palasyo ang magtetext o kaya tatawag. Ayaw niya munang ma-bother ako sa mga sinasabi ng iba.
Kahit obvious naman na pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid. Hanggang dun lang naman ang kaya nilang gawin. Prinsesa pa rin ako at kahit isang mali nilang sasabihin ay makukulong sila.
Buong araw akong balisa dahil hindi ko alam kung anong nangyari kay Kinnosuke. Hindi siya pumasok sa lahat ng klase namin. Kahit dun sa mga hindi namin siya kaklase ni Kailyn. Nalulungkot ako at natatakot dahil baka mag-iba ang samahan namin ni Kinchan.
Palabas na ako sa huli kong klase ng biglang may humablot ng kamay ko. Nagpatianod lang ako sa kanya. Kilala ko ang mga brasong ito. Kahit masakit na ang mga paa ko ay nakarating kami sa likod ng gymnasium.
"Cross..." tawag ko sa kanya.
"What's with you and that Kinnosuke?" tanong niya.
"We are best friends... but he's been my suitor for years now." sagot ko sa kanya.
"Do you like him?" tanong niya habang nakatalikod sa akin.
"I like him... as my friend." bakit ba ako nag-eexplain sa kanya?
"Yun lang ang gusto kong malaman. Sorry if I dragged you out. I told Freid to tell Kai na nandito ka. Wag kang aalis dito hangga't wala si Kai." naglakad na siya.
Hinila niya ako para lang doon?! Ano yun?
Teka. 4-4 na ba? Can I assume na 4-4 na ba? Pantay na ang laro natin. Ang matalo, unang mahuhulog!
Ilang minuto lang ang hinintay ko at dumating na si Kailyn. Dala na niya ang gamit ko pati na rin ang phone ko.
"Anong pinag-usapan niyo ni Cross?" tanong niya.
"Tinanong niya lang kung ano kami ni Kinchan. Yun lang." sabi ko.
"Alam mo, weird yang si Cross. Tinawagan ako ni Freid para sunduin ka. Alam naman niyang hindi kami okay ni Freid." sabi naman niya at naghalukipkip.
"Ano bang meron sa inyo ni Freid?" tanong ko naman.
"Mahabang kwento yun, Nat. Maloloka ka lang. Next time ko na-ikekwento. Basta hindi kami okay." sabi niya at hinila na ako papunta sa field.
Habang naglalakad kami sa field ay akala ko ay pagtitinginan pa rin ako ng mga tao pero parang walang nangyari. Ano kaya ang nangyari? Pasimple kong hiniram ang cellphone ko. Kunwari ay itetext ko lang si Kuya Ben. Madali kong chineck ang thread kanina at nakita kong bawal na magcomment after ng comment ni Cross.
Article 5 Section 2.
Yun lang. Yun lang ang comment niya. Malinaw naman sa lahat kung ano ang Article 5 Section 2. Ito ang parte ng batas na bawal magsabi ng masama sa kahit sinong parte ng royal family na wala namang solid evidence. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa ginawa ni Cross. He defended me sa mga tao. Siguro dahil din nahihila ang pangalan niya sa issue na ito.
Nagpaalam na ako kay Kai dahil dumating na si Kuya Ben. Pagsakay ko ng sasakyan ay tinext ko naman si Kinnosuke.
BINABASA MO ANG
Love Me, Chef!
RomanceSabi nila, the way to a guy's a heart is through his stomach. Pero paano kapag nangyari ito the other way around. Because of his yummy cooking and yummy looks, I was captivated. But what if it is more than that? Can you love me, chef? *The Cross and...