NANDITO ako ngayon sa ospital. Ako ang nagsugod sa babaeng kasama ni Cross kanina sa shop. Sinubukan ko kasing hanapin si Cross pero wala na siya sa paligid kaya ako na ang nagvolunteer na dalhin siya sa ospital. I asked the help of my bodyguards. Tinawagan ko naman kaagad si Butler Kim to handle the situation sa mall. Kailangang walang balita na magspark tungkol dito. Kailangan kong alagaan ang privacy ng babaeng ito.
Maputla siyang nakahiga sa kama. Habang hinihintay siyang magising ay tinanong ko ang doktor kung anong nangyari sa kanya. Sabi niya ay may Colon Cancer daw siya at Stage 3 na ito.
Nalaman ko ding siya si Paulina So. Isang local mula sa Roppin. Sinubukan rin naming tawagan ang immediate relatives niya pero sa iisang number lang ang nakita namin sa ID niya. At yun ang number ni Cross. Tinawagan naman ito ng mga nurse sa ospital.
"Uggh..." daing ni Paulina nung magising siya.
"Are you okay?" tanong ko sa kanya at inalalayan siyang umupo.
"Nasaan ako?" tanong niya.
"Nasa ospital ka. Nahimatay ka kanina." sabi ko.
Tumingin siya ulit sa akin at kahit hinang-hina siya ay bumilog ang kanyang mga mata ng makita ako.
"Princess Nathalie!" nag-bow siya agad.
"Nathalie na lang. Tsaka you can talk to me casually. Wala tayo sa palasyo." sabi ko sa kanya at ngumiti.
"Salamat sa pagsagip sa akin kanina." ngumiti naman siya sa akin.
"Bawal kang mapagod pero nagpunta ka pa rin sa mall." sabi ko sa kanya.
"Actually, gusto ko talagang pumunta sa mall. Ayaw sana ni Clifford pero ako talaga ang nagpumilit." Clifford? Si Cross?
"Clifford?" tanong ko.
"Si Clifford. Ex boyfriend ko yun." sabi niya.
"Ex boyfriend? Bakit hindi mo na siya kasama kanina?" usisa ko.
"May trabaho kasi yun. Nung nalaman niya na lumuwas ako dito, nakipagkita siya kaagad." sabi naman niya.
"Sobrang close niyo siguro..." mahina kong sabi.
"Super! Kababata ko kasi yun tapos yun nga, ex-boyfriend ko pa. Kahit ex ko yun, parang hindi naman kami naghiwalay. Ganun pa rin siya. Siguro kasi magkaibigan kami ng sobrang tagal." excited niyang kwento.
Nakatitig lang ako sa kanya. Kaya siguro siya nagustuhan ni Cross ay dahil mukha naman siyang mabait. Mukha din siyang masayahin. She's like an innocent girl na tipong gusto mong alagaan. Ganun siya. Lalo na dahil sa sakit niya.
"Hey, Nathalie?" kaway niya sa mukha ko.
"Sorry. May naalala lang." sabi ko at ngumiti.
"Hindi ko ineexpect na ikaw ang magliligtas sa akin. Grabe. Pwede ba kitang maging kaibigan? Iilan lang kasi talaga kaibigan ko." sabi niya at nilahad ang kamay niya.
"Sige. Friends." Ngumiti ako at nilahad ang kamay ko.
Nagkwentuhan lang kami ni Pau. Mahilig pala siyang manood ng mga theatre plays at isang beses pa lang daw siyang nakakapanood ng play at yun pa daw ay ang play na dinirect ni Ninang Trina at si Elisha unnie, ang best friend ni Sarang unnie, ang lead actress. Minsan daw ay nagpaparttime siya sa Roppin Hotel para makaipon ng pera pampagamot. That explains kung bakit ko siya nakita sa hotel noon. Dalawang taon na rin mula ng malaman niya ang sakit niya at siya na lang ang nabubuhay sa pamilya niya.
"I had a great time today." sabi ko sa kanya.
"Thank you talaga, Nat. Kapag nakalabas ako dito, ililibre kita ng dinner." sabi naman niya.
BINABASA MO ANG
Love Me, Chef!
RomansaSabi nila, the way to a guy's a heart is through his stomach. Pero paano kapag nangyari ito the other way around. Because of his yummy cooking and yummy looks, I was captivated. But what if it is more than that? Can you love me, chef? *The Cross and...