Thirteenth Dish

92 3 1
                                    

ISANG linggo na mula nung umuwi si Lolo sa palasyo. Medyo gumanda naman daw ang kondisyon niya sabi ng doktor kaya medyo nakahinga kami ng maluwag nila Mama Cate. Maaga din kaming lahat umuuwi para makasama namin si Lolo palagi. Kumpleto kami palagi kapag dinner para makasabay si Lolo. At gabi-gabi ko rin nakikita si Cross dahil pinapapunta siya doon araw-araw para tumulong sa kitchen.

Ngayong gabi ay ako ang nagbantay kay Lolo. Sabado naman bukas kaya wala akong klase. Manonood lang naman ako ng movie sa iPad ko habang binabantayan si Lolo. Kasama ko rin si Ate Silvia, ang caregiver ni Lolo. Pagtapos ng dinner ay dinala ko na sa kwarto si Lolo. Inaayos namin ni Ate Silvia ang higaan niya ng bigla siyang nagsalita.

"Apo, pakitawag naman si Cross." sabi niya sa akin.

"Bakit po, Lo?" tanong ko.

"Basta. May tatanungin ako." sabi niya.

Tinanguan lang ako ni Ate Silvia at lumabas na ako ng kwarto. Pagpunta ko sa royal kitchen ay nag-aayos na sila ng mga ginamit sa pagluluto kanina. Pagkakita nila sa akin ay awtomatiko naman silang yumuko.

"Cross, pinapatawag ka ni Lolo." sabi ko.

Tahimik lang siyang sumunod sa akin hanggang sa pumasok kami sa kwarto ni Lolo. Yumuko lang siya at binati si Lolo.

"Maaari bang iwan niyo muna kaming dalawa?" sabi sa amin ni Lolo kay Ate Silvia.

Sumunod naman kami sa request ni Lolo. Paglabas namin ng kwarto ay nagpaalam si Ate Silvia na kukuha daw muna siya ng mga bagong bed sheets para sa kama na tutulugan ko.

Naiwan akong mag-isa sa labas ng kwarto. Gustuhin ko man pakinggan ang pinag-uusapan nila ni Lolo pero wala akong marinig. Ano kayang pinag-uusapan nilang dalawa? Bakit kailangang kausapin ni Lolo si Cross? Anong meron?

Kinuha ko na lang ang phone dahil bigla itong tumunog.

Kinuha ko na lang ang phone dahil bigla itong tumunog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I smiled while re-reading Kinchan's message. Kailangan ko pa rin siyang kausapin about sa feelings niya pero siguro kapag handa na siyang pag-usapan ulit. Basta ang importante ngayon ay mag-uusap na kami ulit. Makakasama na namin siya ni Kailyn ulit. Namiss ko talaga siya. Walang maingay o kaya kaaway si Kailyn.

Bigla naming bumukas ang pintuan ni Lolo at iniluwa nun si Cross. Nagbow ito sa akin at tumayo ng tuwid.

"Mauna na po ako, Princess." sabi niya.

"Call me, Nathalie. Sabi ko naman sa'yo yun di ba?" sabi ko sa kanya.

"Hinahanap na po kayo ni King Michael." sabi niya ng pormal at nag-bow.

Nilagpasan ko na lang siya at pumasok na sa kwarto ni Lolo. Naiinis ako sa kanya. Sabi ngang wag na maging pormal kapag kaming dalawa lang.

"Oh? Bakit inis na inis ka ata, apo?" tanong ni Lolo sa akin.

"Wala po. Magpahinga ka na po." sagot ko.

"Hindi mo ba ako tatanungin kung anong pinag-usapan namin ni Cross?" pabiro niyang tanong.

Love Me, Chef!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon