NGAYON na ang araw ng kasal namin. Never have I imagined that I'll marry the most important person in my life.
Naging mahaba ang byahe para sa aming dalawa. Inabot pa ng dalawang taon bago namin napagdesisyunan na magpakasal. Mas kinilala pa namin ang isa't isa.
I can't wait to spend the rest of my life with my love.
"Anak, may regalo siya para sa'yo." Abot sa akin ni Mama ng isang itim na box at sulat.
Binuksan ko naman ang box at nakita ang isang silver na relo. Nakaukit ang aming mga pangalan malapit sa lock nito.
Binasa ko naman ang sulat niya para sa akin.
Mon amour,
Today is the day! I still remember the first day you cooked for me. That instant, I knew everything would change. And when I had my first bite, I knew that I fell in love.
Thank you, mon amour for loving me. For coming into my life. I'm looking forward to seeing you waiting for me at the altar.
I'll save my vows for you later.
J'etaime, mon amour. I love you.
~Nathalie
Napaluha ako sa sulat niya. Napakasimple lang ng mga sinulat niya pero tumagos ito sa puso ko. She fell in love with my food and I made it to her heart.
"Bro, nandyan na ang sasakyan." Sabi naman ni Freid na Best Man ko.
We had a brohug before leaving the hotel.
"Sunod ka naman na, bro eh. I know Kailyn will still find in her heart a space for you." Sabi ko sa kanya habang nasa sasakyan.
"I can't wait for the day na mapatawad niya ako." Sabi niya.
"Hintay lang, bro. Just wait." Sabi ko sa kanya at tinapik siya sa balikat.
Pagdating namin sa St. George Abbey ay nagmadali kaming bumaba para batiin ang mga bisita. Medyo marami ang bisita dahil si Princess Nathalie Ysobel ang ikakasal. Kasama daw ito sa rule ng Royal Functions.
May mga opisyal ng gobyerno, may mga artista na mga kaibigan ni Nat, pati na rin ang mga kilalang chef sa industriya ay imbitado din. Sa dalawang taon na magkasintahan kami ni Nat ay pinagpatuloy ko ang restaurant ko at nagbukas na ng ilang branches dito sa isla at sa ibang bansa. Nagpatuloy din ako sa pag-aaral ng culinary para mas lalong lumawak ang kaalaman ko. Pati na rin sa negosyo. Mabuti na lang at nandyan si Freid para tulungan ako.
"Congratulations, Mr. Alfieri." Bati sa akin ng mga bisita.
Nagpapasalamat naman ako at pinapasok ko sila sa loob ng abbey. Tinitingnan ko ang oras sa relo na binigay ni Nat. Malapit na mag-alas dos at kinakabahan na ako. Excited na rin ako na makita siya.
"Mr. Alfieri, pasok na po kayo sa abbey. Paparating na po ang bride. Magsisimula na po tayo." Sabi sa akin ng organizer.
Sumunod naman ako sa kanya. Bago ako pumila sa entourage ay nilapitan ko muna sila Great King at Great Queen.
"Wala na kong hihilingin pa kundi alagaan mo ang anak namin, Cross." Sabi sa akin ni Queen Cate.
"Huwag po kayo mag-alala. Aalagaan ko po siya, Queen Cate." Ngumiti naman ako sa kanila.
"Wag na Queen or King, Cross. Mama at Papa na lang." Sabi naman ni King Nathan.
"Sige po, Mama at Papa." Ngumiti ako ulit sa kanila.
Tinawag na ako ulit ng organizer dahil nandyan na daw siya. Ang bilis ng kabog ng puso ko. Parang yung unang beses ko siyang nakita.
Naglakad na ako sa aisle papunta sa altar. Marami ang ngumiti sa akin habang naglalakad ako. Nandun na si Freid sa altar at kinamayan at tinapik ako sa balikat pagdating doon.

BINABASA MO ANG
Love Me, Chef!
RomanceSabi nila, the way to a guy's a heart is through his stomach. Pero paano kapag nangyari ito the other way around. Because of his yummy cooking and yummy looks, I was captivated. But what if it is more than that? Can you love me, chef? *The Cross and...