ISANG araw na lang ay lilipad na kami ni Kailyn. Nasabi ko na rin sa kanya na sasama na ako nung nag-meeting kami nila Prof Javier. Sinabihan ko rin siya na huwag muna sabihin sa iba kahit kay Kinnosuke.
Ngayong araw ko din sasabihin sa pamilya ko na aalis na ako.
Ako ang nag-empake ng mga damit ko kahit may pwede naman gumawa nito para sa akin. Iilang damit lang naman ang binili at balak ko na lang na doon na lang bumili ng iba pang damit. Mas marami pa ata ang filming equipments ang dala ko kaysa sa mga personal kong gamit.
Linggo ngayon at sa main palace kami manananghalian.
"Announcing the arrival of Princess Nathalie Ysobel." sabi ni Butler Choi.
Nag-bow na ako pagpasok ko sa dining area at nandun na pala silang lahat. Nandun na sila Kuya Kael, Sarang unnie, Tavi, Kuya Liam at Ate Ana. Nagsimula na pala silang kumain.
"Umupo ka na, Nat. Masarap ang pagkain." sabi ni Sarang unnie.
Ngumiti lang ako at tahimik na umupo. Habang sineserve sa akin ang pagkain ay pinanood ko lang sila. Si Kuya Kael at Sarang unnie ay masayang pinagsisilbihan ang isa't isa. Si Kuya Liam naman ay hindi mawaglit ang pagtitig kay Ate Ana. It's as if she'll be gone if he looked away. Napansin naman ata iyon ni Ate Ana at bigla itong namula.
Tahimik lang akong kumain habang nagkekwento si Tavi about sa ginawa nila sa school. Tawa lang sila ng tawa habang kinekwento ni Tavi na nadulas ito sa classroom habang naghahabulan sila ng kaklase niya tapos bigla siyang sumubsob sa cake na dala ng teacher niya. Nakakahawa ang tawa ni Tavi. Masayahing bata si Tavi. Mana sa nanay niya.
"Ikaw naman, Nat. Kamusta ang school? How about the exchange student program na sinabi mo sa amin dati?" baling sa akin ni Kuya Kael.
"Kuya... Unnie... Nag-apply na po ako sa exchange student program. I'll be leaving tomorrow morning." sabi ko sa kanila.
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Papaayos na natin ang royal residence natin doon. Doon na kayo tumira ni Kai." sabi ni Kuya Kael.
"Kuya... No need. May accommodation na pong kasama dun sa program. Gusto ko rin naman pong maranasan yung mag-dormitory. Kasama ko naman po si Kailyn kaya you don't have to worry. Sa loob rin po iyon ng campus kaya alam kong safe kami doon." pagpigil ko sa kanila.
"How about the flight? Don't tell me you're going to break the royal protocol. Alam mo naman na bawal tayo mag-commercial flight." sabi ni Kuya Kael.
"That... Naka-book na po kasi ako ng flight, Kuya." nakayuko kong sabi.
Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Kuya Kael.
"I think, Nathalie would do well, my summer. You don't have to worry. Hindi naman pupunta si Nathalie doon for a state visit kaya I think it's not breaking the royal protocol. Personal naman na matters naman ang gagawin niya. Maybe, to remedy this situation is to have some body guards discreetly accompany her. Just like what we always do." sabi ni Sarang unnie.
"I agree with Sarang, Kael. Ganun din naman ang ginagawa ko." dagdag ni Kuya Liam.
"Ano pa bang laban ko sa inyo? Okay. Nathalie, just be careful, okay?" sabi ni Kuya Kael.
Napangiti na ako at tumakbo kay Kuya Kael. Niyakap ko siya pati na rin sila Sarang unnie.
"Thank you, Kuya! Don't worry. I'll be safe and I'll make you proud!" sabi ko sa kanila.
Natapos ang lunch namin na nagkwento si Kuya Kael about sa love story nila Mama Cate sa Seoul. Sinabihan din ako nila Kuya na magsabi kela Mama Cate. Tinawagan ko naman ito kaagad at nagvideo chat pa kami. Nagulat din sila pero sabi nila ay susuportahan na lang daw nila ako sa mga desisyon ko.
BINABASA MO ANG
Love Me, Chef!
RomanceSabi nila, the way to a guy's a heart is through his stomach. Pero paano kapag nangyari ito the other way around. Because of his yummy cooking and yummy looks, I was captivated. But what if it is more than that? Can you love me, chef? *The Cross and...