TAHIMIK akong umiyak sa loob ng shower matapos namin mag-usap ni Cross. Nagpadala na lang ako ng pagkain sa hotel room kaysa kumain sa restaurant nung gabi. Nagtaka naman sila Kinnosuke pero hinayaan nila muna ako mag-isa. Salamat naman dahil naiintindihan nila ako.
Kinabukasan ay free day. Nagpromise kaming tatlo na hindi kami magkakasama ngayong araw. Hahayaan namin ang isa't isa na mag-ikot. Pinili kong mag-ikot sa market. Dala ang camera ko ay balak ko sanang kumuha ng litrato at bidyo ng mga normal na tao dito sa Rippon.
Nagpaiwan lang ang mga body guards. Correct that. Pinaiwan ko sila dahil gusto kong maglibot. Kahit against ito sa protocol ay sinabihan ko na lang sila na magbantay sa malayo ang isa. Ayoko naman na sobrang maging pasaway. Nagsuot ako ng normal na pananamit at nag-ikot sa market. May mga fresh goods, gulay, at iba pa. Kita ko rin ang mga ngiti ng mga tao habang nag-uusap. Ang pagtawa nila.
Pansamantala kong nakalimutan ang nangyari kagabi. Umikot pa ako at nagtry kumain ng iba't ibang pagkain doon. Naisipan kong mamili rin ng mga pwede kong gamitin pangluto ng almusal bukas. Ayoko na kumain bukas sa restaurant. Kaya ko naman magluto for myself.
Habang nag-iikot ako ay may nakita akong babae na muntikan ng masagi ng isang sasakyan. Dali-dali ko naman siyang hinila papunta sa bangketa.
"Okay lang po ba kayo?" alala kong sabi sa kanya.
"Salamat, iha ha. Hindi ko napansin ang sasakyan." sabi niya sa akin at umayos na ng tayo.
She was a normal lady. Maybe around her mid-40s. Simple lang ang damit niya pero lutang ang pa rin ang ganda niya.
"Mabuti naman po, okay lang kayo." sabi ko sa kanya at pinulot ang mga pinamili niyang nahulog kanina.
"Teka. Ikaw ba... Naku. Pasensya na po! Muntikan na kayong masaktan, princess!" yumuko naman siya sa akin.
"Naku po. Teka lang. Huwag po kayong mag-bow." bulong ko sa kanya at pinatayo siya ng tuwid.
"It's a disgrace para hindi ko po kayo makilala." sabi niya.
"Okay lang po. Hindi ko naman po gusto talagang makilala. Free day ko po ngayon." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Sorry po, talaga." sabi niya.
"Naku po. Speak casually. Wala po tayo sa palasyo. Mas matanda po kayo sa akin." sabi ko sa kanya.
"Gusto kong makabawi sa'yo. Pwede bang mayaya ka na mananghalian sa amin? Malapit lang naman ang bahay namin dito." sabi niya.
"Sige po!" na-excite ko namang sabi.
Tiningnan ko lang ang body guard na nakabantay sa malayo. Tinanguan ko ito bilang signal na okay lang ako. Sumunod naman ako sa babae na sinalba ko kanina. Naglalakad na kami paakyat sa isang street.
"Ano nga po palang pangalan niyo?" tanong ko.
"Stella." sabi naman niya habang naghahanap ng susi sa bag niya.
"Akin na po yang pinamili niyo." pagkuha ko naman sa mga dala niya.
Binuksan niya ang kanilang gate at bahay. Pinapasok naman niya ako kaagad. Maliit lang ang bahay nila pero malinis ito at alagang-alaga.
"Pasensya na po kayo sa liit ng bahay namin ha." paghingi niya ng paumanhin at nagsimula ng maghanda sa pagluluto.
"Hindi po. Maganda po ang bahay niyo. Tulungan ko na po kayo magluto." lumapit naman ako sa kanya.
"Naku! Nakakahiya. Paghihiwain pa kita. Umupo na lang po kayo doon." turo niya sa maliit na sala.
"Mabobore lang po ako doon. Gusto ko rin naman po magluto." sabi ko sa kanya at nagsimula na siyang tulungan ilabas ang kanyang pinamili.
BINABASA MO ANG
Love Me, Chef!
RomanceSabi nila, the way to a guy's a heart is through his stomach. Pero paano kapag nangyari ito the other way around. Because of his yummy cooking and yummy looks, I was captivated. But what if it is more than that? Can you love me, chef? *The Cross and...