Parang nawalan na ng gana si yuri pauwi ng bahay ..
pero dahil sa kaisipang makakaganti siya kay flix agad siyang nag disguise bilang yra at mabilis na pinatakbo ang sasakyan papunta sa bahay nilang dalawa ni flix ..
nakita niya itong pa chill chill lang na nanonood ng TV habang kalat kalat ang mga chitchirya sa harapan nito ..
kung pwede lang hagisan niya to ng granada ginawa niya na .. pero hindi niya alam kong san pwede kumuha ..
padabog niyang isinara ang pinto na ikinagulat naman ni flix ..
"ANO BANG PROBLEMA MONG PANGIT KA ?! sigaw nito sa kanya
"IKAW BAKIT ANG SAMA NG UGALI MO ! IKAW ANG TUNAY NA PANGIT SATING DALAWA DAHIL ANG SAMA SAMA NG UGALI MO ! sigaw ni yuri kay flix saka binato ito ng unan na nag kalat sa sala ..
" baliw na pangit to .. inaano ba kita ! sinasabi ko lang naman ang totoo na ang pangit mo para maging asawa ko ..
" ow.. talaga ?! mas nakakahiya pag nalaman nilang asawa kita dahil ang pangit ng ugali mo hindi nababagay sa isang anghel na tulad ko ..
"in your dream kelan pa nag karoon ng anghel na panget ?
asar na asar si yuri dahil sa sinabi niya ..
" at kelan ka pa nakatakas sa impyernong pinangalingan mo ?! inis na sabi niya rin kay flix
" shut up .. matutulog na ako .. sabi ni flix at umakyat na paitaas ..
pero bago pa siya makarating dun .. tumakbo na si yuri para siya naman ang makatulog sa kama .. aba sinuswerte naman ang antipatikong lalaking to kung pahihigain ulit siya sa couch ..
"YRA !!!! malakas na sigaw ni flix sa buong bahay dahil naka lock na ang pinto ng kwarto nila ..
nakangiting tagumpay naman si yra dahil sa wakas naka ganti rin siya ..
--------------------
Nagising si yuri sa lakas ng katok sa pinto ng kanilang kwarto ..
teka anong oras na ba ? tanong nito sa sarili at laking gulat niya na alasdos na ng gabi hindi parin tumitigil si flix sa kakakatok sa kwarto nila ..
kainis naman tong lalaking to .. bulong niya saka pinagbuksan na ito ng pinto at halos mapalundag siya ng ibang tao ito at hindi si flix ..
dali dali niyang sinarado ang pinto at agad tinawagan ang number ni flix ..
"H-Hoy ! asan ka ? nanginginig sa takot na tanong niya panay parin kasi ang pag sipa at pag sira sa pintuan ng taong hindi niya kilala ..
"Tsk! nasa bar ako ! pake mo ba ha .. sigaw ni flix sa kabilang linya dahil mas malakas pa ang backgroud music nito kesa sa boses niya ..
"U-umuwi ka na , nakalimutan mo bang ilock ang gate ?
" uuwi ?! pinagsarhan mo nga ako ng pinto diba saka anong ------------- Teka ?! anong nangyayari dyan ?
" plz .. umuwi ka na ma-may ibang tao na pilit sinisira ang pinto ng kwarto natin .. takot na takot na si yuri at nanginginig narin ito habang hindi na makagalaw sa kinatatayuan ..
"sh!T lagot ako nito kay dad ..
yun nalang ang narinig ni yuri dahil namatay na ang tawag ..
kanina pa siya umiiyak at parang tanga na hindi alam ang gagawin ..
nakatitig lang siya sa pinto dahil malapit na itong mabuksan..
********BL@@@GGGG!!!
BINABASA MO ANG
My wife is ugly (COMPLETED)
Teen FictionDad are you sure about this ?!! ipapakasal niyo ako sa isang pangit ?! Dad are you out of your mind ?! - Flix Mom ! gusto niyo akong mag disguise na isang pangit?!! para lang pakasalan ang playboy na yun ?! Mom are you out of your mind...