MWIU

12.2K 151 4
                                    

Flix POV  :

Ang tanga tanga niya talaga ..

Kaya pala ganun nalang yung itsura niya pag uwi ko ng bahay dahil di siya lumaban sa mga gonggong na mga kaklase namin , wala sa plano ko ang masaktan siya ng iba dapat ako lang ang dapat pero ano nga naman rin ang magaawa niya kung pinagtulungan siyang saktan .. tsk ! Nakakabadtrip lang kasalanan ko rin naman ang lahat pero mas may kasalan dito ang parents ko at parents niya ang dami pa kasing alam di nalang ibigay samin yung dapat na samin .. may kasunduan tapos ma dedelay at makakaisip na naman sila ng ibang plano .

Di pwede to kailangan kong maunahan si dad sa mga binabalak niya bago pa malaman ng lahat ang tunay na yuri Ahhhhh!!!! sigaw ko

Tang!na ahas !!! Nandito ako ngayon sa garden namin na puro puno dito ako sa pinakalikod yung di na nalilinisan ng janitor ..

Ang bilis ng takbo ko buti nalang di ako natuklaw bakit ba kasi dun ko pang naisipan mag isip ..

Hahanapin ko na yung asawa kong pangit na di nag iisip ..

Papunta ako ngayon ng classroom ng makasalubong ko ang isa sa mga kaklase kong nerd. 

" oh , ano yun ? Tanong ko kasi nakaharang siya sa dinaraanan ko .

" Flix pinapatawag kayo sa office dahil sa inasal mo kanina , nagalit si ma'am ..

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya .

" KAYO ? sinong nga kasama ko ? Tanong ko

"A-ahh lahat maliban sakin dahil ako lang ang may respito sa ating lahat ..

Hinila ko ang kwelyo niya nakakadagdag badtrip to ah ..

" Ulitin mo nga yung sinabi mo ..

" A-ano ang sabi ko kasama mo sina Yuri , Aldren , Jy ------

Di ko na siya pinatapos at tumakbo na ako papuntang office pero dito palang ako sa daanan may mga estudyante nang nag kukumpulan sa harapan ko ..

Ano bang meron at ang ingay nila , di ko makita kasi andami nilang nakaharang  .

" GET THE HELL OUT OF MY WAY !!! malakas na sigaw ko dahilan kong bakit nakita ko na ang pinagkakaguluhan nila ..

What a nice scene mga gagong to kunot kunot na ang uniform nila saka may mga pasa at dugo na sa labi nag susuntukan pa rin gusto na ata nilang patayin ang isa't isa ..

Mas lalong nadagdagan ang inis ko ng makita si Yuri na umiiyak habang pinahihinto ang apat ..

Bago pa mawala ang kontrol ko lumapit na ako sa dalawa at hinila sila sa braso ..

"Ano bang nangyari ha ! Tanong ko kay Jv na galit na galit ang matang nakatitig kay Jray na nakangiti parin kahit dumudugo na ang labi ..

Susugod na sana si Aldren kay Adrie ng humarang ako . 

"TAMA NA SABI EH !! sigaw ko dahilan ng pag atras niya at tinuro pa si Adrie ..

Tinapik niya si Jray sa braso saka sabay silang umalis ..

Nahuli ko pa ang tingin nilang dalawa kay yuri bago ito nilampasan ..

Tumigil na rin sa kakaiyak ito at sinulyapan muna ako bago siya umalis ..

Nag katinginan kaming tatlo at seryosong nag tatanong ang tingin ko sa kanilang dalawa ..


My wife is ugly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon