3. Set Up

1.6K 41 0
                                    

3. Set Up

KYLIE's POV

Grabe talaga ang klima ngayon, sobrang lamig, katulad ng dalawang lalaking katabi ko sa magkabilang gilid ko.

"The weather is good today, ang gandang mag-foot ball." Shawn said feeling the air, mahangin kasi ngayon, ang fresh lang ng hangin, lalo na at malapit sa bundok ang location ng school then isama mo pa sa pagiging feelingero nila.

Kung tinatanong niyo kung nasaan kami, nandito kaming tatlo nila Earl at Shawn sa bench, sitting pretty lang lalo na't vacant namin.

Sobrang daming students na naglalakad at dahil na rin nasa center kami ng Lee University which is the field, napapalibutan kami ng mga buildings ng iba't ibang management, kaya wag na kayong magtaka kung maraming tao ngayon.

"Oo nga 'no, same kami. Sobrang gandang lalaki ko ba naman." Napa-irap nalang ako. Confidence level ninety-nine percent.

"So maganda ka na pala ngayon. Sino nag-sabi at sasamahan 'kong magpa-check up ng mata?" Pangbabara ko sabay irap ko pa.

"You are really a killjoy, Kylie. Nasisira ka-gwapuhan namin sayo e'." Pagtatanggol ni Shawn kay Earl. At may gana na pala silang pagtulongan ako ngayon.

"Nga pala, nakita ko si Kurt na may ka-text na ibang babae. Ang weird nga e', the name seems familliar." Pag-iiba ng topic ng loko na si Shawn.

"Ano 'bang pangalan? Malay mo kumpare din pala natin." Saad naman ni Earl. Tumayo si Shawn sa tapat naming dalawa ni Earl. He placed his hands the inside of both sides of his pocket and looked seriously to us.

"Tangina pre, babae hindi lalaki. Okay ito na nga, Mitch ang pangalan nung ka-text niya, at magkikita pa ata sila mamayang uwian." Sabi niya with gestures that made him look funny. Nagpigil ako ng tawa at ganun din ang nasa tabi ko, tumigil nalang ako nang maramdaman ko ang akbay ni Earl.

Hanggang sa mapansin 'kong parang may mali sa sinabi ni Shawn. Did he just say "Mitch?".

"Arghh! I hate you Shawn!" Inis 'kong sabi at tumayo, nasama tuloy si Earl na naka-akbay sa akin.

"Bro, that's Michelle Lauren Guzman." Sambit ni Earl sa buo nitong pangalan. "Kurt's little sister." I added.

"Aii, ganun ba? Sige ito nalang, pag-ayusin nalang natin yung dalawang nagtatampuhan, mukha sila tanga e'." I mentally face palm. Hindi niya alam na siya yung nagmumukhang tanga ngayon. Aish, kung di lang kita bestfriend Shawn, baka iba na naisip ko sayo.

NATHALIE'S POV

"Nathalie, tell us about Psychology." Di ko namamalayang tinawag na pala ako ng lecturer ko ngayon. Damn, kanina pa ako lutang na pati lesson di ko na magawang makinig.

"Psychology includes the study of conscious and unconscious phenomena, as well as feeling and thought. It is an academic discipline of immense scope." I sighed in relief. Thank God yun lang ang tinanong sa akin, kung hindi napahiya pa ako. Google, I got you.

Being part of the Royalties is really hard, kailangan todo talaga sa pag-review kahit malayo pa ang exam. Well, we need to maintain our high grades, role model kami dito 'e.

"Excellent." I nodded to her and sat again. Okay, back to the topic, sobrang nag-aalala na ako kay Kurt. I appreciate his concern, pero concern din ako sakanya.

"Okay, class dismiss, as well as the afternoon classes. Its all cancelled because of the meeting of School Faculty." Tss. Meeting again? Well, everytime kasi na may meeting ang school faculty, laging kasama ang Royalty's representative which is ako at si Kurt. Oo kaming dalawa kasi ang sinulat nila Rhian na representative ng grupo. Damn right?

Campus RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon