9. Favor
THALIE's POV
Nagising ako sa sinag ng araw na tumapat na direkta sa mukha ko, hindi naman ako makareklamo dahil sinadya ko rin talagang hindi takpan ang bintana para magising ako ng maaga.
Heck, walang pasok pero kailangan ko talagang magising ng maaga dahil ako ang naka-assign sa pagluluto every saturday.
Bumangon na ako at dumeretso sa washroom para ayusin ang sarili, nang makita ko'ng presentable na rin naman ang ayos ko ay lumabas na ako at dumeretso sa baba.
On my way downstairs ay napansin ko ang tahimik na kapaligiran, the whole first floor is empty at binubuhay nalang ito ng flat screen TV na naka-switch on at ilang kalampag sa kusina na sa tingin ko ay parang pinapakialaman ang mga kaserola.
Natigilan nalang ako nang mag-beep ang cellphone ko, I took it out of my hoodie's pocket at tsaka ko binuksan ang in-box. It was from Rhian.
From: Rhianne
G'morning, Thalie! Nag-grogrocery lang kami. Don't make breakfast, we'll take home foods for you guys. Nagpaiwan naman sila ni Shawn, Kylie at Kurt kaya wag ka mag-alala. May gusto ka ba?
Pagkabasa ko sa recent message ko ay nakahinga ako, natulog pa sana ako ng mas matagal, wala palang saysay ang pag-gising ko ng maaga.
Ang aga naman nilang nagising! Six (6) PM palang 'a. They are really a morning person, hindi ko alam kung paano nila nagagawang magising ng tuluyan sa pagsikat na pagsikat palang ng umaga.
To: Rhianne
G'morning too, pretty! Snacks and Beers will do. Alam ko kasing inubos niyo na kagabi yung stock nating beer. Lol.
Bahagya akong ngumisi sa ti-next ko bago ako nagpatuloy sa paglalakad patungong kusina, paniguradong nandyan silang tatlo.
"Anong meron?" Walang kamalay-malay 'kong tanong. Shawn and Kylie is only present, where the hell is my Kurt? Mukhang balisa rin ang dalawa at yun ang nagpakaba sa 'akin.
"Ang taas ng lagnat ni Kurt, sabi nga namin sakanya dalhin na siya sa ospital, but he refused kaya wala kaming nagawa." Ani Kylie at inasikaso ang basin water na hinaluan niya ng alcohol. Nervousness consumed me, tss, dahil siguro sa pagod bumigay na katawan niya.
"Pwede na nga magluto ng itlog sakanya e'." Segunda din ni Shawn kaya naisipan ko ng pumunta sa kwarto ni Kurt bago pa ako mabaliw dito.
Halos liparin ko na ang pagitan ng first floor at second floor para makarating agad sakanya. Damn! Hindi ko pa na-try maging kabado ng ganito. Nang makadating ako sa kwarto niya, bumungad sakin ang tulog niyang estado.
Kapansin-pansin ang panghihina niya. I sat at the edge of his bed and stared at him for a minutes. What a pretty boy indeed.
Nagpatuloy ako sa pagtitig sakanya hanggang sa meralize 'kong may sakit pala siya, hell self, magawa mo pa siyang pagpantasyahan.
Dahan-dahan 'kong nilagay ang likod ng palad ko sa noo at leeg niya para makasigurado sa kanyang temperature at laking gulat ko nang sobrang init pala talaga niya. Dang, akala ko nagbibiro lang si Shawn sa part na puwede ng magluto sa katawan niya pero ang init pala talaga niya, his body are starting to tremble too.
Inayos ko ang pagkakakumot sakanya at kumuha rin ako ng dalawa pa sa cabinet niya para ipatong dun, nilalamig siya panigurado. Hininaan ko na rin ang aircon tsaka ako bumalik sa pagkakaupo sa gilid ng kama niya.
BINABASA MO ANG
Campus Royalties
Teen FictionA sacrifice of a friend and a sacrifice of a lover are two different cases, we will witness a group of people that will be handling their own dilemma that could possibly break the long-lasting relationship they made long ago.