37. Cold Water

667 13 11
                                    

37. Cold Water

NATHALIE'S POV

Buong magdamag akong nakatingin sa ceiling ng kwarto ko. After what happened last night, hindi na ako nagtaka na hindi na ako nakatulog kaka-isip.

It's just that. It's so unbelievable at hindi rin ako makapaniwala na out of all people, isa pa sa malapit sa akin. Ella, who is also part of the Royalties, one of the people I treasure the most kahit wala kami masyado pinagsamahan.

Magang-maga rin ang aking mata. One time, kinwento ko sakanila ang babaeng nagngangalang Dianne Morales. The royalties told me na wala silang kilala na ganun ang pangalan, kung si Earl na taga-California, ay hindi kilala ang Morales na nakatira dun, si Ella pa kaya. So I was beyond shock.

Tinago niya sa 'akin— sa 'amin, ang totoong identity niya. Is this all part of her plan? Ang kunin ang loob namin? Then I must congratulate her for doing a great job. Para ba'ng nabuhusan ako ng malamig na tubig at hindi pa rin ako maka-get over. I was hoping that it was just a dream, sana nga, panaginip lang.

"Thalie, bangon na dyan." Bungad ni Kylie pagkapasok na pagkapasok palang nila.

"Hanap ka ni lover boy." Malambing din na gatong ni Rhian. Tikom lang ang bibig ko at 'di muna nagsalita. Hindi ko rin naman magalaw ang aking katawan. I am knocked down, mentally and physically.

"We're here for you, Thalie. Wag mo hayaang sirain ka lang ng isang gagang babae. Hindi siya ang makakasira sayo, hindi siya ang makakasira sainyo ni Kurt." Rhian said concernly.

My gosh, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko rin magawang magpakita sa Royalties na ganito ang estado ko, na mugto-mugto ang mata ko at pulang-pula ang mukha ko.

"I'm fine, girls." Pilit akong ngumiti at tuluyan na ngang tumayo. I went to the washroom at binabad ang sarili sa shower. I shouldn't act like this, OA na ba ako?

Damn! Hindi ko lang talaga mapigilan.

After showering ay tamad akong nagbihis ng shorts at sweat shirt. Dumeretso na rin ako sa baba para kumain na. Naabutan ko silang tahimik, I think Kurt already knows what happened yesternight.

Seeing Kurt stable aura made me sighed in relief. I love him, of course I care. Umupo ako sa bakanteng upuan, tabi ni Rhian at Kurt. Nag-umpisa na rin akong kumain nang walang umiimik samin. Lalo na si Shawn na parang binagsakan ng langit at lupa.

"Good morning, Thalie." Kurt acknowledged my presence but I just forced a smile.

"G-guys, did you remember what I told you when were still in our hotel in Singapore?" Nag-aalangang sabi ni Shawn. Lahat kami tumingin sakanya. Pagkatapos ng nakakabinging katahimikan, finally may nagsalita na rin.

"Y-yung babaeng nililigawan mo?" Patanong na sabi ni Kylie.

"Yeah. It's Ella, I was courting her for about months now and we both know that I am 'hella serious." Gulat ko siyang tinignan. Ibig sabihin paryas kami ng nararamdaman? 'O baka nga mas nasaktan pa siya kaysa sa 'akin? Ella loves Kurt, obsessively and desperately.

"She gave me hints that we both feel the same way. But fuck- What happened yesternight shocked me. I'm sorry for hiding it, sasabihin ko naman 'e, pero kung kailan sasabihin ko ay kung kailan umamin na siya. Sa totoong siya." Matabang itong tumawa bago tumayo at iniwan kaming gulat. Hindi ko mapigilang maluha sa pangalawang pagkakataon.

Ella is been with us for a long time. Hindi namin siya ganung kakilala but we treated her like a sister. Royalties is not just a group after all, its a family.

Campus RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon