58. River
KYLIE'S POV
Nagising ako dahil sa lamig. I tried finding the comforter with my hands while not opening my eyes but I failed kaya nagising nalang rin talaga ako.
"Hotel room? Diba asa hospital ako kanina?" Kumunot ang noo ko lalo na ng makitang ako lang ang nandito at wala sila Earl.
Shit! Oo nga, kinasal na pala yung gagong iyon kay Rhian. Nakakagulat naman talaga iyon.
Tumayo na ako at mabibigat ang paang pumunta sa bathroom. I was about to open it pero huli na ako dahil bumukas na iyon revealing Chyros. Namula ang pisngi ko nang makitang nakatapis lang siya.
"Putangina mo, Chyros! Dapat sa loob ka na nagbihis e!" Sabi ko bago tumalikod para bumalik sa may kama ko.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at pagbukas-sara ulit ng pinto ng bathroom. Gosh! Nakakagulat talaga iyon.
Naglakad ako patungo sa kung saan yung maleta ko at naglabas ng pangbihis. I looked at the window too at gabi na pala, so ibig sabihin nakatulog ako nung sinabi ni Earl na kasal na sila? Wait! Hinamatay!? Ganun na ba ako kagulat non?
Nang lumabas si Chyros na nakabihis na ay nakahinga ako ng maluwag. He didn't say anything to me pero halatang pinipigalan niya ang tawa niya.
"Ba't ka natatawa? Gusto mo masipa?" Humagalpak na siya ng tawa kaya tumaas ang kilay ko.
"Ang cute mo kasi mainis e." He whispered it kaya nagpanggap nalang akong hindi rin iyon narinig dahil baka asarin niya ako.
Nilagpasan ko na siya at nagtungo na sa bathroom. I abruptly closed the door and bit the inside of my cheeks to supress my smile.
"Anong cute? Hindi ako bata." Ngumuso ako bago nag-half bath. I assume babalik kami sa ospital dahil nakabihis si Chyros kaya binilisan ko talaga ang galaw ko.
I wore a simple turtle neck long sleeve and high waisted jeans, pinatungan ko ito ng coat at boots rin. I wore a matte make up and curled my hair into big curls. Pinaghandaan ko talaga ito dahil asa US kami at magandang magpicture taking sa streets, Chyros will be my photographer.
Nang lumabas ako ay kumunot ang noo niya sa akin. "I think you're overdressed. We're going to the Hospital, not fashion show."
"Model ako ngayon, tanga! You will be my photographer. Hindi ba bagay sa akin?" Ngumuso ako at nag-iwas siya ng tingin.
"Bagay sayo, baka nga lang pagpiyestahan ka ng mga gagong hilaw dito." Humagalpak ako ng tawa.
"That's the point, Chy! I want to get their attentions." Siyempre joke lang iyon, pang-post lang talaga sa instagram ang dahilan ko kung bakit ganito ang suot ko.
"You what!?" Galit ka, boi?
"Kalma lang, Chy. Tataas altapresyon mo niyan." Natatawa ko siyang nilagpasan bago kunin ang sling bag ko, we got out of the suite and walked on the streets dahil malapit lang dito ang hospital.
The night here is so lively dahil maraming city lights at marami pa'ng gumagala. I stopped when I saw a perfect place for pictures, binigay ko ang phone ko kay Chyros at buti nalang wala siyang naging reklamo through out my whole photoshoot.
BINABASA MO ANG
Campus Royalties
Teen FictionA sacrifice of a friend and a sacrifice of a lover are two different cases, we will witness a group of people that will be handling their own dilemma that could possibly break the long-lasting relationship they made long ago.