51. Donor
KYLIE'S POV
Sa sumunod na araw ay napilit kami ni Thalie pumasok ngayon. She told us that she'll just finish her thesis research kaya pumayag na din kami dahil may kailangan din kaming tapusin na requirements.
Buong araw ay nasa Library lang kami, pinayagan naman kami ni Mr. Lee na wag muna umattend ng mga subject classes para matapos namin ang research and our other final tasks bago kami pumunta sa U.S.
"Bili lang kami pagkain." Napaangat ako ng tingin sa boys na sabay-sabay tumayo, wala naman na kaming balak makipagusap ng matagal sakanila dahil abala rin kami kaya simpleng tango lang ang sinukli namin sakanila.
They all left their things on our table before going out, bumalik naman kami sa ginagawa namin.
"Kylie, are you done using this?" Turo ni Rhian sa isang librong nasa gilid ko. Nakasara ito dahil tapos ko na rin gamitin kaya inabot ko nalang ito sakanya at hindi na nagsalita pa.
Ilang sandali pa ay nag-angat ulit ako ng tingin. Rhian is in front of me, ang katabi niya sa gilid ay si Earl at dahil wala pa sila ay bakante pa ito, si Thalie naman ay katabi ko.
Sinandal ko muna ang likuran ko sa backrest dahil nangalay ako sa ginagawa ko kanina. Damn! So much pressure, pero hindi na ako nagtaka dahil lagi kaming wala dito sa school, malamang magcra-cramming kami.
"Hey."
"Oh my gosh, Shawn!" Sabay-sabay kaming napa-tili, we quickly check if he's real or not by slapping his cheeks multiple times.
"Quiet, observe silence!" Sita ng librarian kaya napa-peace sign tuloy kami ng wala sa sarili.
"I'm real."
Tumawa siya at marahan na hinawi ang kamay namin, bigla-bigla ba naman kasi uupo sa tabi ni Rhian sabay sabing hey, kabute ba siya?
"Missed you, Shawn." Aniya ni Thalie at talagang tumakbo talaga paikot sa lamesa para mayakap si Shawn. Natawa nalang siya at niyakap si Thalie pabalik.
"Are you fine, Thalie? Sorry for all the problems and stress I gave to all of you, umalis rin ako ng walang pasabi." He sincerely said after hugging Thalie.
Natatawang ginulo naman ni Thalie ang buhok niya, "It's fine, Shawn. Wag ka mag-sorry dahil hindi naman ikaw ang dahilan kung bakit nagkasira tayo."
"I really regret loving her. She's a psycho like her sister, I fucking got enough of her." Aniya ni Shawn.
"I know that, napag-usapan na rin namin iyan ni Kylie after meeting you in the grocery store." Aniya ni Chyros kasama ang dalawa na nakarating na pala.
Bumalik si Thalie sa tabi ko at tumabi naman sakanya sila Kurt at Chyros para magkasya kami.
"I'm sorry for eavesdropping by the way, Thalie. I was suppose to go to the bathroom that time but you're there talking to someone, I can't help but to hear you unintentionally." Nginitian siya ni Thalie.
"Nagtampo ako sayo, sa totoo lang. Mawawala lang iyon kung babalik ka na sa amin, kapag iiwan mo na si Ella." Pilyo siyang ngumiti.
"Sorry, Thalie. Hindi ganun kadali, may usapan kami at hindi nila gugustuhin nila Joshua na di ako sumunod don. One wrong move ay baka galawin ka niya, they're wealthy and that means they're capable of a lot of things." Shawn really changed, hindi na siya yung dating playful and carefree na kakilala ko, he's now responsible. After everything? Given na iyon.
BINABASA MO ANG
Campus Royalties
TeenfikceA sacrifice of a friend and a sacrifice of a lover are two different cases, we will witness a group of people that will be handling their own dilemma that could possibly break the long-lasting relationship they made long ago.