56. One Sided

469 16 6
                                    

56. One Sided

RHIAN'S POV

Gaya ng usapan ay 6PM ay naghanda na ako. Nauna na rin akong maligo dahil si Earl ay bagsak pa ang katawan sa kama dahil kakagising lang rin niya. Natulog muna kasi kami nang makabalik kami sa bahay. Buti nalang at wala pa sila Kylie kaya hindi kami na-hot seat bigla kung saan kami galing. We planned to keep our marriage secret first at sasabihin nalang namin if Thalie's not unconcious anymore.

After that ay nagbihis na ako ng simpleng mom jeans at black off shoulder, naghanda rin ako ng jacket dahil alam ko'ng malamig sa plane at more than 16hours pa ang biyahe.

Pagkalabas ko ay nakaupo na si Earl sa kama. He's staring at the space at parang kinekwestyon ang mundo dahil sa sobrang bilis lang ng tulog niya.

"Any plans on getting ready?" Duon lang siya napatingin sa akin bago sumilay ang ngiti niya.

"I'll be fast, babe." He kissed my temple before going inside the bathroom. Ako naman ay inayos na ang bag na dadalhin namin.

"Andito ka lang pala, Rhian.. Hinahanap kita sa kuwarto mo," Kylie laughed on herself bago niya ako lapitan. She is wearing a simple dress, sneakers at cropped top jacket. Parang pupunta lang siya ng date.

"Ready na ba sila Chy?" Tanong ko habang inaayos ang dadalhin ni Earl, kahit kailan kasi ay hindi siya marunong mag-impake ako lagi gumagawa para sakanya.

"Yeah, Shawn already started the van. Kayo nalang hinihintay namin." Napa-face palm ako, buti nalang talaga at nagising pa ako kung hindi baka di na kami nakaabot.

Gaya ng sabi ni Earl ay mabilis lang siya, nakasuot na siya ng button down at jeans, ang guwapo talaga ng asawa ko, shocks!

"In love ka na naman, babe!"

"Gago bilisan mo na, tayo nalang hinihintay doon." I said trying to hide my pink cheeks.

"Kiss muna!"

"Yuck, Earl!" Singit ni Kylie na nandyan pa pala, natawa nalang ako nang magdilatan silang dalawa.

"Ang mature niyo." I sarcasticly said, they both laughed bago na kunin ni Earl ang mga bag at nauna na kami ni Kylie na umalis sakanya.

Hanggang sa makarating kami sa Airport ay nagtataka ako. By now dapat tinatawagan na siya ng parents niya dahil kailangan na siya sa kasal, why is his phone quiet?

Nang makapasok na kami sa plane ay kami ang magkatabi ni Earl, he turned his phone's power off bago siya natulog sa balikat ko. Napanguso ako, wala talaga siyang balak i-inform ang parents niyang kasal na siya?

Lunch na nang dumating kami sa U.S., the ride was so tiring dahil sa tagal namin nakaupo. We decided to eat on Burger King first at nag-take out rin kami for Kurt and Thalie's fam and herself of course.

Wala na rin kaming time para maglibot kaya nang ihatid namin ang mga gamit namin sa hotel na binook namin ay duon na kami dumeretso sa Hospital.

Kurt messaged us the room number kaya hindi na kami nag-abalang tanungin iyon sa receptionist. Panatag nalang talaga kami knowing that na-transfer na si Thalie sa isang private room meaning she'll wake up soon.

Campus RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon