39. Greatful
THALIE'S POV
"I love you." Naramdaman ko'ng natigilan siya nang sabihin ko iyon. Dahan-dahan ay naglakad siya palapit pero di pa siya tuluyang nakakalapit sinenyasan ko siya na tumigil.
Hindi ako makapaniwala, I finally said it. Pakiramdam ko ay di magtatagal sasabog ako sa saya. It's like nabunutan ako ng isang milyong bigat sa puso. Kumbaga napanatag ako.
Ngumiti ako sakanya bago ko tuluyang lingunin ang gawi nila Rhian, giving them turn-on-the-light's look. Agad naman nilang ginawa ito.
Kurt roamed his eyes around. Seeing his family with the royalties family including mine too, his other friends, all his loved ones. Akala niya kasi kanina hindi makakapunta ang parents niya at ang ibang bisita dahil sa trabaho kaya siguro ang alam niya ay kami-kami lang ang magkakasama ngayon, of course si ate Mitch lang din ang in-expect niyang family member.
Halatang gulat ito, wala siyang inaksayang oras at niyakap niya na agad ang mommy niya. His back is facing me now at ang mukha lang ni Tita ang nakikita ko. She gave me a thumb's up before caressing his son's back.
The scene made my heart melt, atleast nakita niya na ulit ang parents niya after a long month.
Pagkatapos ng mommy niya ay lumipat siya sa ama niya. A small smile crept on my face while leaving the center at pumunta sa gawi nila Rhian.
"Damn! Kinilig ako sainyo. Your I love you is the most sincere thing I've ever heard!" Kinikilig na saad ni Kylie.
"Kurt's eyes sparkled, Thalie." Nakangiting aniya naman ni Rhian.
"You deserve that kind of man, Thalie. Kurt is deeply in love with you." Nagsitaasan ang balahibo ko nang sabihin iyon ni Chyros. I am overwhelmed.
Kurt deserves to be loved, but I don't think if I am the right girl for that. Ako ba ang makakapagsaya kay Kurt?
"We know you, Thalie. Don't question yourself, you two belong with each other." Saad ni Earl. Did I just said that out loud?
"Sir Chyros, kayo po ang unang magbibigay ng message." Singit ng isang organizer sa amin. She gave one microphone to Chyros before motioning him to go but infront.
Tumikhim siya paea agawin ang atensyon ni Kurt, hindi naman siya nabigo dahil napatingin ito sakanya habang akbay-akbay ang Dad niya.
"Hey bro, happy birthday." Tumawa ng bahagya si Chyros. "Enjoy this day, bro. For sure magiging pinaka-masayang araw mo na 'to. I'm not spoiling you though kung anong mangyayari, basta mag-enjoy ka nalang." Nagtawanan ang ibang bisita dahil sa gulo niyang magsalita.
"Maabot mo sana ang kagwapuhan ko pare. More birthday's to come rin." Tumawa si Chyros bago niya lapitan si Kurt at tapikin ang likod nito. Pagkatapos ay pinasa niya ang mic kay Kylie.
"Hey Kurt, I just wanna say take care of Thalie. Alam ko naman na alagang-alaga mo yun pero dapat maging mas responsable ka ngayon." Everybody laughed again. Kylie talks like she is my overprotective mother, ang cute lang.
"Happy birthday, mamaya na yung regalo 'a HAHAHAHAHA." She said before winking on Kurt and passing the mic to Earl.
"Bro, ang galing ko kumanta kanina diba?" Biro ni Earl kaya napailing nalang si Kurt.
"Kidding aside, happy birthday pare." Nakipagkamay siya kay Kurt bago humirit ulit ng isang biro.
"Turuan mo rin ako kung paano hindi maging torpe 'a." At dahil sa ayaw niyang mabatukan, patakbo siyang bumalik sa gawi namin pero napatawa nalang ulit ang mga bisita nang halos mapadapa pa siya. Always the clumsy Earl.
BINABASA MO ANG
Campus Royalties
TeenfikceA sacrifice of a friend and a sacrifice of a lover are two different cases, we will witness a group of people that will be handling their own dilemma that could possibly break the long-lasting relationship they made long ago.