41. Beach
RHIAN'S POV
Inabutan na kami ng hapon kakatampisaw sa dagat. Since morning kasi ay dito na kami kumain, syempre napasarap ang kwentuhan at laro namin dito kaya di namin namamalayan ang oras.
I am laying on the beach bed habang pinapanood ko silang naglalaro ng volleyball sa dagat. Medyo umitim kasi ako at mukhang magkakasunburn pa ata ako kaya nagpahinga muna ako. Isa pa, katabi ko rin kasi ang lamesa na puno ng pagkain kaya yon.
I was busy chilling nang mahagip ng mata ko ang maraming jetski sa di kalayuan, hindi iyon masyadong pansin kaya hindi siguro nakikita nila Thalie. I took my sunglasses off bago tumayo at tawirin ang pagitan ko roon. Medyo malayo-layo rin ang natakbo ko hanggang sa nasa harap na ako ng lalaki medyo may edad na.
"Good afternoon, sir. I was just wondering if I could use one of these jetski?" Tanong ko, agad naman siyang tumango.
"Yes po, ma'am. Pagmamay-ari rin naman po 'to ng mga Guzman at bisita naman po nila kayo kaya puwedeng-puwede po." Yes!
He started the engine bago siya bahagyang yumuko at iwan ako. Agad ko na itong sinakyan at pinaandar nang walang inaaksayang panahon.
Nang medyo malapit na ako ay nakuha ko ang atensyon nila. I turned it on the side making a huge slash on their faces bago ako tumigil sa pagtakbo nito.
"That's hot." Bahagya akong namula sa narinig ko'ng salita galing sa dakilang flirt pero ipinagsawalang bahala ko nalang.
"Rhian, saan mo nakuha yan?" Kylie asked curiously.
"Hop in, girls." They giggled before hopping on my back. Nakita ko'ng ngumuso ang tatlo pero di ko sila pinansin.
Inumpisahan ko ang takbo nito sa pamamagitan ng pagdaan sa gilid ng mga lalaki bago ko ito ibalik sa direksyon kung saan ko nahiram itong jetski para makakuha din sila Thalie. The girl's hopped on their own jetski before we started a race back to the boys.
Makapal ang mukha na sumakay si Earl sa likod ko when we arrived, si Kurt ay pinalitan ang puwesto ni Thalie while Chyros also rode on Kylie's back.
"May pupuntahan tayo." Kurt announced. Thalie quickly hopped on his back and we made an eye contact. Tumawa siya at nakakalokong lumingkis 'kay Kurt. Kailan pa 'to matutong lumandi.
Biglaan ko pinatakbo ang jetski nang pinaandar na ni Kurt ang kanila, napamura sa Earl at sinakop pa ang buhok ko since it's all over the place. Ipinagsawalang bahala ko ang nagwawalang paro paro sa kalamnan ko.
Lumayo kami ng bahagya, I can see the water are so deep already. Panigurado, sa Island ang punta namin. Kurt is leading the way kaya naman nakabuntot lang kami. We stopped in the middle of the ocean. Napataas ako ng kilay, why here?
"Magandang sumisid sa part na 'to guys. It's not that deep, so you don't need to worry about." Kurt said before going in the water, inalalayan niya di'ng makababa si Thalie. After them ay tumalon na rin sila Chyros.
Agad silang sumisid, kaya naman naiwan kami ngayon ni Earl. Medyo hesitant ako, I know how to swim at hindi naman ako takot sa dagat, but I kinda have a fear of deep water. Earl goes down leaving me on the jetski alone.
BINABASA MO ANG
Campus Royalties
Teen FictionA sacrifice of a friend and a sacrifice of a lover are two different cases, we will witness a group of people that will be handling their own dilemma that could possibly break the long-lasting relationship they made long ago.