Time check 7:45 O__O anak ng balyena! Wahhh! Late na ko!
Tumayo ako sa kama at diretso lang sa banyo nag sipilyo ng ngipin alangan kuko-__- anyway nagligo na rin ako. Pumunta ako sa baba kumuha lang ako doon ng sandwich at kinain habang nasa taxi. Yum! ^__^
Nagpaalam na rin ako kay mama.Hindi pa ako nakapaghusay ng buhok sa kamamadali imaginin niyo. 6 mins! As in 6!!! Mabuti nalang dinala ko ang powder at lip tint ko makalagay nga.
Matapos kong lagyan ng polbo at lip tint yung mala dyosa kong mukha.
(*O*) after 15 mins. Wait what!? 15!? 15+6=21 ibig sabihin super late na ko! Ok.. Inhale exhale inhale exhale. Ready na ako para sa detention^__^. Parang excited pa ako na ma detention ha.. >__<Pagpasok ko sa paaralan. Pinagtitinginan agad ako ng mga schoolmates ko. May mga narinig akong positive meron ding negative.
"'Yan ba yung Ms. Campus!? Eh mas maganda pa nga ako diyan eh!"
" Oo nga! Hindi niya deserve yun noh!?"
"Ewan ko ba sa teacher nila! Bakit sila pa ni papa Luke ang partner hindi naman sila bagay!" yan ang mga naririnig ko na mga bulung-bulungan na puro lang negative. Ewan ko kung bulung pa yun o sinadyang iparinig pero na tigilan ako ng may tumawag sa akon or let's say may sumigaw sa akin. Lumingon ako sa kanila. Sila yung nag bulung-bulungan kanina at tatlo silang babae. Actualy kaklase ko sila. Sila sina Lea, Sopia at Hannah.
"Hey you b*tch! Hindi ka bagay na maging Ms. Campus! Hindi ka rin bagay maging ka partner ni papa Luke!"sabi ni Lea.
Sa isang iglap lang.....
*SLAP!*
Sinampal niya ako kaya napapikit ako sa sobrang sakit. Lumapit sa akin sina Sopia at Hannah. Sinabunutan nila ako. Bahagyang tumulo ang luha ko sa sakit. Halos hindi na ko makakita ng maayos dahil sa luha sa aking mga mata. Pero bigla na lang may lumayo sa akin doon. Hindi ko alam kong sino siya. Basta ang alam ko lang ay bigla sila nagsitakbuhan palayo.
Nang wala na silang tatlo sa paligid. Bigla na lang may humila sa akin papunta sa clinic siya siguro ang nagligtas sa akin. Pero hindi parin ako makakita ng maayos dahil kahit anong pagpunas ko sa mga luha ko ayaw parin tumigil sa pagbuhus.
"Ito Ms. Campus oh?"sabi ng lalaki na tumulong sa akin. Inabot niya sa akin ang handkerchief na hawak niya. Tinanggap ko naman ito at pinunas sa mukha ko.
Nang walang ng luha sa aking mga mata nakakita na ako ng maayos. Tinignan ko ka agad ang tumulong sa akin para narin pasalamatan siya.
"Ah. Thank you sa tulong mo."sabi ko sakanya.
"Walang anuman yun ako nga pala si Justin. Justin Perez." tsaka nginitian niya ako. Ang cute niyang ngumiti. Walang malisya ha cute talaga siya. Baka inisip niyo na malandi ako ah. (>__<)
"Ako nga pala si Candy Reyes but you can call me Dy for short."
"Pumasok na tayo sa loob ng clinic. May mga psa kasi eh baka mapano ka pa."tumango na lang ako sakanya. Actualy ang bait niya ah hindi katulad ni Luke.. Teka!? Bakit ko ba siya iniisip. Aish....
Pagpasok namin sa clinic. Kinausap agad ni Justine ang nurse na gamutin ang mga pasa ko. Napadaing naman ako ng lagyan nung nurse ang mga pasa ko ng alcohol kaya dinahan dahan niya na lang sa paglagay.
****
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Loving You
Teen FictionSi Candy Reyes isang normal lang na estudyante sa Lion University. Ngunit sa di inaasahan minahal siya nang isang sikat na lalaki sa kanilang school. Pero sino kaya ang lalaking iyon?? Mamahalin din ba niya pabalik ang lalaking iyon?? Will she say t...