At dahil 2020 na here's an update!
*****
Candy's P.O.V."Anak!"
"Sis!"Ayan agad ang bungad nila mom at ate sakin.
Kaka-uwi pa lang namin galing private island at 10:00 na ng gabi.
Shet! Bukas may klase na, sana naman may isang araw pa kami para makapagpahinga.
Oo nga speaking of klase--oh shet! Waaahh! Pano na to bukas! Si Jude? Si Luke? Waaah!
"Oh anak mukhang pagod ka na ah kumain ka muna. Nandun na yung hapunan mo sa kusina."
Dumiretso na ako ng kusina and to my surprise....
"KLENT!!!!"Waah! Namiss ko siya.
Niyakap ko kaagad si Klent.
"Na-miss kita Klent T__T."ako na parang maiyak-iyak--though 1 week lang naman ang bakasyon namin sa private island.
"Haha.. Na-miss din naman kita Dy. Kumain ka na, ako nagluto niyan."
Tinignan ko ang mesa at.. Huwaw!
Merong lechong kawali, adobong manok, fried chicken, at kung ano-ano pa!
"Baka naman mafood poison pa ako neto ha?"pang-aasar ko.
"Grabe siya."natawa na lang ako.
Matapos kong kumain ay nagpaalam naman si Klent na uuwi na raw siya dahil may klase pa bukas kaya eto ako ngayon maliligo na dahil feel ko ang lagkit ko na.
Matapos kong maligo ay pinatuyo ko muna ang buhok ko at natulog na.
*****
"Sis!!! Gising na!!!"Shete. Gising na gising agad ang diwa ko kahit kakamulat ko lang ng mata.
Tinignan ko ng masama si ate.
"Ate naman eh! Bakit ganyan agad ang bungad mo sakin? Bakit nasunog ba ang dagat? Bakit nagkaroon na ba ng ilong yung mga emoji? Bakit? Ngayon mo lang ba narealize na kahit kailan hinding-hindi ka niya magugustuhan?"
Boom!! :D
"Ay grabe hugot? O pinatatamaan mo lang ako?"
"Yung pangalawa."sabi ko at tumawa.
"Tss."
"Eto naman. Ano nga pala ang sadya mo dito sa kwarto ko?"
"May naghihintay sayo sa baba eh."sagot ni ate.
"Sino raw?"
"Jude daw."
Dafuq!
"Ate, pinapasok niyo ba?"
"Aba siyempre naman! Ang gwapo niya kaya."
Napa-facepalm na lang ako. Shet!
Pinaalis ko na si ate dahil maliligo na ako.
Uwaaah!! Dy isip ka muna ng pambungad mo kay Jude bago ka lumabas!
Eh kung sabihan ko siya kaya ng "Hey what's up?" o "Yow dude.". Waah! Ampanget.
Sabihan ko na lang kaya siya ng "Hi." tas magkukunware na wala na siya sa paligid? Kaso ang rude naman.
Waah! Bahala na nga!
*****
Matapos kong maligo at nagbihis ay bumaba na ako mula sa kwarto.Bumaba na ako at nakita ko naman si Jude na umuupo sa sala.
"Jude?"nabaling naman ang atensyon niya sakin.
"A-Anong ginagawa mo dito?"kunware na-shock ako. Lels.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Loving You
Novela JuvenilSi Candy Reyes isang normal lang na estudyante sa Lion University. Ngunit sa di inaasahan minahal siya nang isang sikat na lalaki sa kanilang school. Pero sino kaya ang lalaking iyon?? Mamahalin din ba niya pabalik ang lalaking iyon?? Will she say t...