Chapter 41 - Tampo

1 1 0
                                    

Candy's P.O.V.

Umakyat na ako ng kwarto ko na nakabusangot ang mukha.

Hays. Kahapon lang naging kami pero mukhang LQ na kaagad.

Pagkapasok ko ay agad na tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon at nakitang may message sakin si Luke.

From: Luke

Dy, masaya ako sa inyong dalawa ni Jude at alam kong siya na ang mahal mo ngayon at kahit kailan hindi na magiging tayo pa, kaya ako na mismo ng titigil sa panliligaw ko sa'yo Dy.

Napatigil ako saglit at nagreply sakaniya.

To: Luke

Mahahanap mo din ang babaeng para sa iyo, Luke.

From: Luke

Sige. Goodnight Dy.

To: Luke

Night.

Dumiretso kaagad ako sa banyo para maligo na at pagkatapos nun ay natulog na ako.

*****
Hindi ako nakatulog ng maayos dahil kay Jude.

Galit ba siya sakin?

By ths way, nandito pala ako sa parkohng lot ng L.U. at papasok na ako sa loob ng school nang makita ko si Aldrin kaya tinawag ko siya.

"Aldrin!"sigaw ko at napalingon naman siya sakin at napangiti.

"Oh, Dy?"lumapit siya sakin.

"Gusto ko lang humingi ng advice sayo kasi mukhang nagtatampo sakin si Jude eh."sabi ko.

"Bakit ba siya nagtampo? I mean, may tinanong ka ba? May nasabi?"tanong niya.

"Oo eh."

"Eh ano naman 'yun?"

"Tinanong ko kasi sakaniya kung sino si Thannia dahil--"naputol ang pagsasalita ko nang biglang nagsalita si Aldrin.

"ANO!?"sigaw niya kaya napatingin ang mga estudyante sakaniya pero binalewala niya lang ang mga ito.

"Tinanong mo talaga 'yun?"dagdag niya pa, tumango naman ako.

"Eh sino ba si Thannia?"tanong ko.

"Naku, si Jude dapat ang magsabi niyan sayo, Dy."sabi niya at napakamot ng batok.

"Sige na nga lang pero advice naman kung anong dapat kong gawin."sabi ko.

"Hm.. Mahilig sa musika si Jude eh, kaya sa tingin ko kantahan mo na lang siya."

"Sige."

"Marunong ka bang mag-gitara?"tanong niya.

"Hindi eh."

"Turuan na lang kita, madali lang iyon."alok niya.

"Sige ba. Magtapos na lang ng klase. Salamat talaga Aldrin."sabi ko at nagpaalam na sakaniya.

*****
Habang nagkakalase 'yung prof namin ay biglang nagvibrate 'yung phone ko kaya palihim ko itong tinignan.

From: Aldrin

Dy, magkita na lang tayo sa garden pagkatapos ng klase.. Ako na lang ang bahala sa mga meryenda natin. Isama mo din pala sina Peach at Rose. Hehe.

Ba't may 'Hehe'? Naku! I smell something fishy Aldrin ah! Pero sino kaya sa kanilang dalawa ni Peach at Rose? Hmm..

*****
Tapos na ang klase at hinanap ko kaagad sina Rose at nakita ko kaagad sila sa hallway.

Unexpectedly Loving You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon