Candy's P.O.V.
"Anong gusto mong kainin?"tanong sakin ni Jude.
Nandito kami ngayon sa cafeteria at hiwalay ang table naming dalawa sa table nina Luke, Aldrin, at Sam. Sina Rose at Peach naman ay nandun din sa table nina Luke.
Kinikilig nga ako eh dahil panay ang sulyap ni Aldrin kay Rose pero etong si Rose ang manhid mga teh! Sige lang sa lamon ng pagkain! (-,-)
"Siyempre lalayo pa ba ako? Siyempre sundae at fries."sagot ko kay Jude.
Napangiti naman siya at nagpaalam na mag-oorder daw muna siya. Tumango naman ako at umalis na siya.
Kinuha ko ang phone ko at nagtext ako kay Aldrin.
To: Aldrin
Gusto mong tulungan kita kay Rose?
Sinend ko na ang message ko sakaniya at nakita ko siyang tinignan ang phone niya tapos nagtype siya doon.
From: Aldrin
Sige ba. Ikaw naman ang tumulong sakin ngayon. So, any advice?
To: Aldrin
Karamihan kasi saming mga babae eh kinikilig kapag kinakantahan kami ng isang lalaki kaya siguro, kantahan mo siya.
From: Aldrin
'Yan lang ba?
To: Aldrin
Wait meron pa pala.. Ang pinakaimportante sa lahat.. Lahat ng babae gusto nito...
From: Aldrin
Ano????
To: Aldrin
F-O-O-D
Nakita ko siyang napa-ngiti. Waaah! Rose malapit ka nang magkaboyfriend!
From: Aldrin
Sige. Thank you.
To: Aldrin
Welcome. Basta ha, ninang ako. 😉
Narinig ko siyang napatawa (kinilig siguro -,- )kaya napatingin sina Rose sakaniya.
"Luh, may topak na siguro 'to."rinig kong sabi sakaniya ni Rose.
Narinig ko na may naglapag ng tray ng mga pagkain sa mesa kaya napatingin ako doon at nakita kong nakabalik na si Jude.
"My favorite!"sabi ko habang kinukuha ang sundae at fries sa tray.
"Paborito mo talaga 'yan."sabi ni Jude sakin at napatawa ng mahina.
"Siyempre try mo kaya."sabi ko at dinip ko 'yung isang pirasong fries sa sundae tapos sinubo ko sakaniya at kinain naman niya.
"Ans sarap nga."sabi niya at kumuha ng isang pirasong fries tappos ginaya niya 'yung ginawa ko kanina tapos sinubo niya iyon sakin.
May kinuha si Jude na tupperware sa kaniyang bag sa likuran niya at pagkakita ko ay ang laman niyon ay adobo.
"Niluto mo?"tanong ko habang binubuksan niya 'yung tupperware.
"Yes, nagpatulong nga lang ako kay yaya."sagot niya at kumuha ng isang kutsara at sinubuan niya ako ng adobo.
"Ang sarap ah."sabi ko.
Nagulat ako nang kumain din siya ng adobo at ang gamit niyang kutsara ay ang kutsara na sinubo niya sakin!
"Hala Jude! Bakit mo ginamit 'yung kutsara na isinubo mo sakin?"gulat na tanong ko.
"Isa lang ang kutsara na dinala ko eh. At tsaka nagkikiss naman tayo ah."sagot niya at napanguso.
Hindi na lang ako sumagot at hinayaan na lang siya na subuan ako.
Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko at pagkakita ko may message sakin si Aldrin.
From: Aldrin
Dy, ikaw na mamaya ang bahala na papuntahin si Rose sa gym ha pagkatapos ng klase.
To: Aldrin
Bakit? May ano sa gym?
From: Aldrin
Doon ko siya kakantahan..
To: Aldrin
Ahh okay.
"Sino 'yan?"tanong sakin ni Jude na ngayon ay nakadungaw na din sa phone ko.
"Si Aldrin. Nagpapatulong siya sakin para makantahan niya mamayang uwian si Rose sa gym."sabi ko sa mahinang boses.
"Ahh."sabi niya at napatango-tango.
*****
Uwian na at ready na akong papuntahin si Rose sa gym.Uwaah! Kenekeleg eke!
Inabangan ko na agad si Rose sa taoat ng kanilang classroom.
Alam na din ni Peach ito at tutulungan niya din si Aldrin. Sabi niya pa nga "Ako kaya? Kelan kaya ako magkakaboyfriend?" tapos biglang sumabat si Sam "Edi jowain na lang kita!"
Omo! Like what the fuck! I'm so kinikilig! Shet.
Nakita kong papalabas na si Rose at Peach kaya humanda na ako.
"Rose punta tayong gym."salubong ko kay Rose.
Palihim kong kinindatan si Peach at kumindat din siya pabalik.
"Ano naman ang gagawin natin doon?"tanong niya habang nakakunot ang noo.
"Basta."pagkasabi ko noon ay kinaladkad na agad siya namin ni Peach papuntang gym.
Yeah, kinaladkad talaga.
Pagkapasok namin sa gym ay sinarado namin kaagad ni Peach ang pintuan at dahil nakapatay ang ilaw ang sobrang dilim dito sa loob ng gym kaya imposibleng makakita ka.
Pumagilid kaagad kami ni Peach at malayo na kami sakaniya ngayon at nakita naming takot na takot na si Rose.
"Oy! Dy! Peach! Nasaan na kayo?"natatakot niyang tanong pero hindi kami sumagot.
Naramdaman kong tumabi sakin si Jude--kanina pa silang nandito at hinintay lang nila kaming dumating.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop niya ang mga daliri namin.
Nakarinig na kaming lahat ng strum ng gitara at napalingon kaming lahat sa stage sa dulo pati si Rose ay napalingon din doon.
May spotlight na nakatutok doon sa stage kung saan ngayon ay nakaupo si Aldtin na may hawak ng gitara at diretsong nakatingin kay Rose.
Nagulat si Rose sa nakita at may isang spotlight din ang nakatutok kay Rose habang siya ay dahan-dahan na humakbang papalapit sa stage.
Nagstrum nang nagstrum si Aldrin ng gitara habang si Rose naman ay mukhang naguguluhan parin sa nangyayari.
Pota, nakalunok ba ng anesthesia 'tong kaibigan ko?
Ang manhid!!
*****
Author's note: Opps.. Next chapter ay point of view po ni Rose! So to be continued po ang chapter na ito sa susunod na chapter! Ciao!Kindly hit the star button below, thanks!
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Loving You
Teen FictionSi Candy Reyes isang normal lang na estudyante sa Lion University. Ngunit sa di inaasahan minahal siya nang isang sikat na lalaki sa kanilang school. Pero sino kaya ang lalaking iyon?? Mamahalin din ba niya pabalik ang lalaking iyon?? Will she say t...