Chapter 37 - Operation: PSC

3 1 0
                                    

Candy's P.O.V.

Hindi pa tumutunog ang alarm clock ko ay gising na ako.

Hindi ko maiwasang masaktan dahil sa sinabi ni Jude sakin nung nakaraan. Alam ko ang babaw ko dahil lang doon, pero ang sakit sa part ko eh.

Naligo na ako at naghanda na para pumasok.

As usual, tulog palagi si ate Sweet kapag umaalis na ako ng bahay kaya kina mama at papa lang ako nakakapagpaalam.

Habang naglalakad ako sa parking lot ay parang may nagmamasid sa akin.

Tumingin ako sa likod at wala namang tao doon. Nagkibit-balikat lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nang makapasok sa gate ay may bumangga sakin at dahil hindi ko inaasahan iyon ay natumba ako sa sahig.

Tumngin ako sa nakabangga sakin at nakita ko si... Jude. Nakatingin din siya sakin at... Ang cold niya tumingin.

"Tss."sabi niya at nagsimula nang maglakad palayo.

Ba't ganun? Parang nagbago siya? Sa paraan ng pagtingin niya sakin kanina ay parang hindi siya 'yung Jude na nakilala ko.

Tumayo ako at sinundan ko siya.

Habang sumusunod ako sakniya ay parang may mga matang nakamasid sakin. Binalewala ko lang iyon at binilisan ko ang paglakad para maabutan ko si Jude.

"Jude!"tawag ko. Sa tingin ko  kailangan ko nang ayusin ito.

Tumgil siya pero hindi siya lumingon sakin. Ouch.

"Can you stop following me?"sabi niya. Ba't ang cold na din niyang magsalita?

Lumingon siya sakin at kitang-kita ko na ang mga mata niyang walang emosyon.

Nabigla ako dahil sa sinabi niya.

"J-Jude--"

"Stop. Let's stop this fucking game, Ms. Reyes."sabi niya.

"A-Anong laro?"

"Eto. 'Yung panliligaw ko sayo. I think I was just infatuated."sabi niya at tumalikod na tapos naglakad na siya palayo.

Napatulala naman ako sa sahig. Ganito ba ang resulta ng hindi ko pagpansin sa kaniya ng ilang araw? Kung oo, sana pala pinansin ko na lang siya.

Pumasok ako sa klase na tulala.

Dumating na si prof pero wala akong naiintindihan sa mga tinuturo niya dahil na sa kay Jude ang buong utak ko.

Infatuation lang ang lahat? Laro?

Hindi ko maiwasang hindi masaktan dahil sa mga sinbi niya kanina, siguro ganito din ang nararamdaman ni Jude nung naging cold ako sakaniya at hindi siya pinapansin.

Ang sama ko na ba?

Hindi ko namalayang lunch na pala. Kung hindi lang nag-bell malamang hindi ko alam na lunch na.

Nakita ko si Jude, lalapitan ko sana siya pero may kumapit sa braso niya na isang magandang babae.

Yumuko lang ako at pumunta na ng cafeteria.

Sinubukan kong hanapin sina Peach at Rose sa cafeteria pero hindi ko sila mahanap. Aalis na lang sana ako nang may tumawa sakin...

"Dy!"paglingon ko nakita ko si Luke, Aldrin, at tsaka si Sam.

Ngumiti ako at lumapit sa table nila.

"Ba't ikaw lang mag-isa? Nasaan si Jude? Ang dalawa mong kaibigan?"tanong ni Aldrin.

Unexpectedly Loving You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon