Chapter 40 - Meeting his parents

2 1 0
                                    

Candy's P.O.V.

Binuksan ni Jude ang double door at tumambad sakin ang kaniyang buong pamilya na naka-upo lahat sa isang malaking mesa.

Waaaah! This is it!

"Mom, dad, I want you to meet Candy Reyes, my girlfriend."pakilala ni Jude.

Kinilig ako ng sinabi niyang 'my girlfriend'. Enebe!

Bigla namang lumapit samin ang mom ni Jude at bineso niya ako.

"Hi! Mom ako ni Jude, you're so pretty."masiglang sabi niya.

Pretty ko raw? K.

"Hello po, I'm Candy Reyes."sabi ko at ngumiti, ngumiti din 'yung mom ni Jude.

"Sabi na eh! Magiging kayo rin!"may biglang sumigaw kaya napatingin ako sakaniya at nakita ko si ate Francine.

Kumindat siya sakin pagtingin ko sakaniya.

"Hi ate!"sabi ko at kumaway pa.

Lumapit siya sakin at bumeso din.

"You're so pretty talaga!"nanggigigil na sabi ni ate Francine.

So pretty ko raw? K ulit.

May tumayong lalaki na medyo matanda na, sa tingin ko dad siya ni Jude.

"Nice to meet you, ija. I'm Jude's dad. So let's eat?"sabi ng dad ni Jude kaya umupo na kaming lahat.

Ang dad ni Jude, mom niya, si ate Francine, isang matandang lalaki, at matandang babae. Kaming anim lang ang narito at sa tingin ko ang matandang lalaki at babae ay mga lolo at lola ni Jude.

"Sorry we're late!"may biglang sumigaw sa pinto ng dining room.

"Mom, dad!"sabi ni ate Francine. Mga magulang niya pala 'yun.

Umupo sa tabi ni ate Francine ang kaniyang mga magulang.

"Ate, I'm glad na naka-abot pa kayo bago kami kumain."sabi ng dad ni Jude.

So, kapatid niya pala ang mom ni ate Francine.

"Oo nga eh. Sobrang trafic kaya."sabi ng mom ni ate Francine.

"Ah! Eto pala ang girlfriend ni Jude, si Candy."pakilala ng dad ni Jide sakin.

"Hello po."

Napangiti naman sakin ang mom ni ate Francine.

"Wow! Ang swerte ni Jude! Ang ganda-ganda mo!"sabi niya.

Ang ganda-ganda ko raw? K ulit.

"Alam mo, bihira lang magka-girlfriend si Jude dahil wala naman 'yang sineseryoso! Kaya pumunta talaga kami dito para makilala ka."dagdag pa ng mom ni ate Francine.

Naputol ang pag-uussap niya sakin nang biglang bumukas ulit ang pinto ng dining room at iniluwa nito ang isang lalaki na medyo matangkad kay Jude.

"Oh! Jamir! You're here! Andito na pala ang girlfriend ni Jude."sabi ng dad ni Jude.

Umupo sa harapan ko 'yung Jamir, teka! Ano siya ni Jude?

"Kuya ko siya."bulong ni Jude sakin na mukhang na-gets niya ang tanong sa isipan ko.

Kaya pala sila makamukha, magkapatid pala sila.

Tumingin sakin si kuya Jamir saglit saka binaling ang paningin sa pagkain.

Hinawakan ni Jude ang kamay ko sa ilalim ng mesa.

Nagsimula na kaming kumain at tanging tunog lang ng mga kusara't tinidor ang tanging maririnig hanggang sa nagsalita si kuya Jamir.

Unexpectedly Loving You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon