Chapter 39 - Official

3 1 0
                                    

Candy's P.O.V.

Kyaaaah! Hindi ako makapaniwala na kami na talaga ni Jude. Uwaaah!

Kinwento na din sakin ni Jude ang naging training niya sa bahay nina Rose. Laughtrip naman ako dahil ang hirap daw maging malamig sakin.

Nalaman ko din na kasabwat pala nila sa operation na 'yun sina Luke, Aldrin, Sam, at ang nakakairitang babae. So, 'yung pagsuntok ni Luke at ang pag-awat nila Adlrin at Sam sakaniya ay lahat ng iyon ay acting lang.

Nandito ako ngayon sa kotse niya dahil ipapakilala ko na siya ngayon kina mama, papa, at ate Sweet na boyfriend ko na si Jude. Sigurado maiinggit sakin si ate dahil naunahan ko pa siya magboyfriend. Wahahaha!!

Nang makarating kami sa aming bahay ay naunang bumaba si Jude at pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Hindi talaga ako makapaniwala na tayo na Dy."sabi niya.

"Ako nga rin eh."

"Parang kailan lang nung tinatanaw ko pa kayo sa malayo ni luke tas ngayon.. Akin ka na."sabi niya at sinarado ang pintuan ng kaniyang kotse.

Namula naman ako pagkasabi niya ng 'akin ka na'. Waaah!

Hindi pa kami nakakapasok sa gate ay sinalubong na agad kami nina ate Sweet, mama, at papa.

"Magandang gabi ho."sabi ni Jude sa kanila.

"Magandang gabi din, Jude."sabi naman ni papa.

"Halika pasok ka muna sa bahay, Jude."pagyaya ni mama.

Tumango naman si Jude at pumasok na kaming lahat sa bahay.

"I smell something fishy, sis ah."bulong ni ate sakin nang maka-upo kami sa sala.

Ngumiti lang ako sakaniya.

"Ahmm.. Pa,ma, ate, may gusto po kaming sabihin ni Jude."pagsisimula ko.

"Oh? Ano 'yun?"tanong ni papa.

"Kami na po."diretsong sabi ni Jude.

Waaaah! Ba't ang straight forward niya?

Napanganga naman si ate, napangiti naman si mama, at normal lang ang ekpresyon na binigay ni papa.

"Susuportahan ko kayo pero Jude, huwag na huwag mong sasaktan si Candy, maliwanag?"seryosong sabi ni papa.

"Makakaasa po kayo."sagot naman ni Jude.

"Alagaan mo ang puso ng anak naman, Jude ah? Huwag na huwag mo siya papaiyakin."sabi naman ni mama.

"Gagawin ko po 'yun sa lahat ng makakaya ko."sagot ni Jude.

"Jude, huwag na huwag kang lalandi sa ibang babae ha? Kundi sasakalin talaga kita."sabi naman ni ate.

Sasakalin lang ate? Ako mapapatay ko talaga silang dalawa ng babae!

"Nung unang kita ko pala po kay Dy, hindi na po ako tumingin pa sa iba."sabi naman ni Jude.

Kenekeleg eke!

"Dito ka na lang maghapunan, Jude."pagyaya ni mama.

"Oo nga, para mapag-usapan na din natin ang wedding bells."sabi naman ni papa.

( ̄. ̄)

Napakamot naman sa batok si Jude. Kyaaah! Nang-aakit ba siya?

"Sige po."sagot naman ni Jude.

"Edi tara na sa dining room."sabi ni mama.

Lahat kami ay pumunta na sa dining room at hinwakan ko naman ang kamay ni Jude, mukha kasi siyang tensyonado eh bet na bet naman siya nina mama at papa!

Unexpectedly Loving You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon