Chapter 33 - The Plan

7 1 0
                                    

This chapter would be the longest chapter I've ever made bakit? Balik sa paaralan na naman kasi kaya hinabaan ko eto.

Btw enjoy reading! <3

*****

Candy's P.O.V.

Lutang na lutang ako ngayong araw na ito dahil sa nakita ko. Ni hindi ko nga namalayan na lunch na pala.

"Dy, okay ka lang?"tanong ni Luke na katabi ko.

Tumango na lang ako at tumayo para pumunta na ng cafeteria.

Habang naglalakad ako nakita ko si Jude na.... kasama si Francine.

At talagang nakayakap pa sa braso ni Jude si Francine ha. Si Jude naman mukhang naiinis pero ngumingiti parin.

Lalagpasan ko na lang sana sila nang magkatitigan kami ni Jude. Umiwas naman agad ng tingin at umalis.

Pero bago ako pumunta nang cafeteria dumaan muna ako sa cr para.

Habang nasa loob ako ng cubicle at tapos ko na rin akong magflush ay may narinig ako na may tumatawag sa pangalan ko.

"Candy~"

Kinilabutan naman agad ako.

Pa'no ako makakaalis dito sa loob ng cubicle? Pa'no pag-alis ko makasalubong ko siya sa labas ng cubicle? Waaaah!!! Naiimagine ko na ang mukha niya.

"Candy Reyes."

Pinikit ko na lang ang mga mata ko nang.....

"BOO!!"may gumulat sakin at nagulat ako doon at nakita ko naman sa taas ng mga cubicle na katabi ko sina Rose at Peach.

"Shete akala ko naengkanto na ko dito sa cr!"naiinis na sambit ko pero may halong pagbibiro.

"Hahaha... Naku! Hindi naman totoo 'yun eh!"sabi ni Rose.

Alam na din nila ang nangyari dun sa private island at kung ano ang nangyari kaninang umaga doon sa parking lot, tinawagan ko kasi sila bago ako pumasok sa classroom para naman mabigyan nila ako ng advice.

"Hindi nga pero kanina muntik na ulit akong maniwala!"

"Hahaha tara na nga sa cafeteria kanina pa ko gutom eh."napatawa na lang kaming dalawa sa sinabi ni Peach.

Nakaabot na kami sa cafeteria at nakita ko sa isang mesa sina Jude at Francine.

Teka! Estudyante ba siya dito?

Nagkatitigan ulit kami ni Jude at ako muli ang unang umiwas.

Nilagpasan na lang namin sila.

"Ako na lang ang maghahanap ng mesa natin."sabi ko.

Lumayo na ako sakanila para mahakanap ng mesa na pagkakainan namin.

Pero nakakailang teh! Pa'no ba naman kasi nakatingin parin hanggang ngayon sakin si Jude.

Sa sobrang pagkailang ko yumuko na lang ako pero...

"Aray!"daing ko.

Pa'no ba naman kasi may nakabanggaan ako at napaupo ako sa sahig.

"Dy okay ka lang?"sabi ni Luke. Siya kasi ang nakabanggaan ko.

"A-ah o-oo."sabi ko at tumayo.

"Sorry talaga Dy."

"Okay lang 'no!"

"Saan ka pala papunta?"tanong niya.

"Wala. Naghahanap lang ako ng mauupuan namin."

Unexpectedly Loving You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon