Chapter 22 - Break up

14 2 4
                                    

Candy's P.O.V

8 months later......

Walong buwan. Walong buwan na ang relasyon namin ni Luke.. Sa loob ng walong buwan walang masyadong nangyari, ganon pa din, away kay Hannah, project sa school, date with mhine. Ganun lang naman palagi.

"Mhine malapit na ang monthsarry na natin ah."sabi ko.

"Oo nga mhine."

"Excited na ko mhine. Walong buwan na nating bilang magjowa at sana stay strong tayo hanggang huli."

"Gagawin ko lahat para tayo na hanggang sa huli."kiniss niya ako sa cheeks. Ako naman namula.

Nandito pala kami ngayon sa room nang biglang dumating si prof kaya nagsitahimik na kaming lahat.

Nagdicuss lang na nagdiscuss si prof hanggang sa nagbell. Sabay kaming pumunta ni Luke sa cafeteria. Ba't ang tahimik niya ngayon?

"Mhine?"sabi ko.

Tingnan niya lang ako at nginitian ba't parang...... Di siya mapakali??

"Ba't parang di ka mapakali?"

"H-Huh? A-ah wala."ba't nauutal siya?

"Ok."omokay na lang ako.

Dumiretso na kami sa cafeteria. Naghanap agad ako ng upuan at siya naman ang umorder.

May nakita ako sa dulo na upuan na pangdalawahan kaya doon ko napili na umupo. Nang makaupo sakto naman na kakadating na ni Luke dala ang aming mga pagkain. Woah! Ang bilis niya ah!

"Bilis mo ata?"tanong ko.

"Wala kasi masyadong pumipila eh."

Nagsimula na kaming kumain ng biglang may nagring sa phone niya kaya napatingin kami doon. Aldrin Calling.....

"Mhine sagutin ko muna 'to ha kain ka lang muna diyan."sabi niya tumango naman ako at naglakad na siya paalis.

Kumain lang ako ng kumain.

***
Ba't ang tagal niya halos 25 mins na akong naghihintay dito ah. Masundan nga.

Tumayo na ako at naglakad paalis. Hinanap ko si Luke kung saan. Sa room, sa field, sa gym, sa garden---andun pala siya nakaupo sa bench sa ilalim ng kahoy puntahan ko nga.

Hindi niya pa ako nakikita dahil nakatalikod siya sakin kaya dahan-dahan ako naglakad para sana gulatin siya. Hehehe. Hindi pa ako nakakalapit nang marinig ko ang kanilang usapan.

"Ayoko na ng dare na 'to!"sigaw ni Luke. Teka anong dare??

[Luke dare lang naman lahat diba? Ang usapan natin maging kayo ni Candy pero hanggang walong buwan tapos makikipaghiwalay ka sakanya.]sabat naman ni Aldrin sa kabilang linya.

Teka ano bang ibig sabihin niya? Ako ba ang pinag-uusapan nila? Dare lang ba lahat ng ito kay Luke? Ang maging kami? Ang walong buwan naming magjowa? Lahat lang pala dare lang!!

Nagsimula na tumulo ang mga luha ko tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ni Luke ang maghikbi ko ngunit nabigo ako.

Gulat na gulat siyang napalingon sakin.

"M-mhine let me explain."sabi niya.

"Sa loob ng walong buwan lahat lang pala isang kalokohan? Ang mga I love you mo pala ay isa lang kasinungalingan? Lahat pala dare lang!? Ha!?"tumulo lang ng tumulo ang mga luha ko.

"Mhine hindi ganun iyon. Maniwala ka."

"Lahat pala ng sinabi ni Hannah totoo. Na isa mo lang akong laruan. Hindi naman agad naniwala kasi alam ko na mahal mo ako. Na totoo lahat ng I love you mo!"

Unexpectedly Loving You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon