Matapos kaming igather ni prof pumunta na kami sa kanya-kanyang mga tent.
Pumasok ako at naghanda na para matulog nang biglang may bumukas ng tent at sumigaw ng..
"Hi Candy!!"
"Ay palaka!!"sigaw ko sa gulat at napabangon ng wala sa oras.. Sinamaan ko siya ng tingin at tumawa lang siya.
"Sorry nagulat ba kita? At ako? Mukhang palaka? Sa gwapo kong ito?"tanong niya pa.
"Ay hindi ako nagulat. Iniexpect nga kita eh! Tsaka ikaw gwapo? PAGKALAT MO."hehehehe alam ko namang gwapo siya. I'm just trying to tease him yah know? :P
"Grabe ka!"
"Ano ba ang kailangan mo Prince?"
"Wala lang magsasabi lang ako ng goodnight."sabi niya.
"Geh goodnight rin. Labas ka na. Siguraduhin mong sarado ang tent ha."
Tumango na siya at lumabas at ako naman ay natulog na.
***
Minulat ko ang aking mata at napasigaw ako sa tumambad sa akin."Waaaaahh!!! Prince!!"sigaw ko. Eh pa'no ba naman yan kung paggising mo isang dosenang ipis ang katabi mo? At sino naman ang maglalagay niyan dito? Wala naman sigurong ipis sa isla na ito.
May narinig ako mula sa labas na mukhang dali-daling tumakbo patungo rito. Binuksan niya ang tent at nakita ko siya.
"Sh*t! Sh*t! Sh*t! Dy lumabas ka muna riyan!"kinuha niya ang kamay ko at hinila palabas.
Pagkalabas ko napatulala ako parang ngayon lang nagsink-in sakin ang nangyari.
May ipis sa tent ko pagkagising na pagkagising ko. Sino ba ang naglagay nun? Bakit may ipis doon? Tsaka kung sino man ang naglagay nun bakit niya iyon ginawa?
Matauhan na lang ulit ako ng may naramdaman akong humawak sa braso ko.
"Sh*t! Okay ka lang? Natakot ka ba dun?"ngayon ko lang napansin na nandito din pala si Prince nakasabay niya siguro papunta dito.
"Grabe Prince ipis lang iyon. Hindi naman ako mamamatay kung makakita ako ng ipis."sarcastic kong sabi sakanya pero ang totoo takot ako sa ipis!! (>O<)
Napansin ko na parang may tumitingin samin, napatingin ako kung sino 'yun at nakita ko si Luke nakatingin nga samin. Nang nakita niya ako na tumingin sakanya umiwas siya ng tingin at lumakad palayo.
Ano ang gagawin ko? May dapat ba akong gawin? Kasi siya yung kumuha sakin dun. Magtathank you na lang kaya ako???..... Tama! 'Yun na lang!
Hinabol ko siya at tinawag.
"Luke!"shet! Ngayon ko na lang ulit siya natawag sa pangalan niya..... Eh ano naman diba? Dapat wala nang epekto 'yun sakin eh. Kaso hindi pa naman ako fully move on. Kaya siguro ganun. Tama. Iyon nga 'yun.
Napahinto siya tsaka lumingon. Shet! Eto naman ako parang kinakabahan. Pero wait ba't ako kinakabahan?
"Wae?"aba! Nag korean pa pero teka ngayon ko lang siya narinig na nagkorean. [Wae-Why]
"Thank you pala sa paghatak sakinmula doon sa mga ipis ha? Kung hindi malamang nandun parin ako at hindi makagalaw dahil sa takot."
"Gouitashimashite."[gouitasimashite-you're welcome] aba loko to ah nagkorean tas nagjapan!? Ginagawamue??? (>__>)
"Hindi na ko makasabay sa pag-iiba mo ng language ah!"ngayon feel ko parang nawala bigla ang ilang ko sakanya.
"Hahaha."tumawa ang loko.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Loving You
Teen FictionSi Candy Reyes isang normal lang na estudyante sa Lion University. Ngunit sa di inaasahan minahal siya nang isang sikat na lalaki sa kanilang school. Pero sino kaya ang lalaking iyon?? Mamahalin din ba niya pabalik ang lalaking iyon?? Will she say t...