Candy's P.O.V.
"PAPA!!!"
Hinug ko kaagad si papa. Maiyak-iyak na nga ako ngayon.
"Haha.. Namiss kita Candy."sabi niya.
Matagal-tagal na kasi kaming hindi nagkikita ni papa dahil sa inaasikaso niyang kompanya namin sa Mexico.
"Pa, si Jude nga po pala. Nanliligaw sakin."akala ko magagalit sa papa pero ngumiti lang siya.
"Papa ako ni Candy. Hindi ko kokontrolin ang magiging desisyon ni Candy sa love life niya pero sana huwag mo siyang sasaktan."sabi ni papa.
Nakita ko naman ang reaksyon ni Jude. Namumutla siya. Mukhang kinakabahan. Haha.
"Jude Jimenez po."sabi ni Jude sabay shakehands kay papa, tinanggap naman ni papa.
"Anak ka ni Julian Jimenez? Business partner ko 'yun eh. Gusto na kita para kay Candy."tumawa si papa, nagulat naman si Jude at namula naman ako.
"Papa naman!"
"Ano? Kelan ko ba maririnig ang mga wedding bells?"pang-aasar ulit ni papa.
Napafacepalm na lang ako. Ang kulit.
"Pero seryoso huwag na huwag mo lang sasaktan si Candy, Jude."
"Naiintindihan ko po 'yun."
"Mabuti naman. Candy, pakainin mo na si Jude ng miryenda, magpapahinga lang ako sa taas."at ayun nga pumunta na si papa sa taas ganun din si ate na pumunta sa kusina.
Hinarap ko si Jude.
"Pagpasensyahan mo na si papa ha?"
"Haha. Narinig niya 'yun? Wedding bells daw?"pang-aasar din ni Jude.
Hinampas ko siya sa braso.
"De joke lang."sabi niya. Joke daw eh 'di naman ako natawa. Problema mo tol?
"Kukuha lang ako ng pagkain sa kusina ha? Dito ka lang muna."tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa, ganun din siya.
"Tutulong na ako."sabi niya, tumango na lang ako.
Ayun nga, kumuha kami ng pagkain.
Habang kumakain kami ay nanunuod kami ng movie sa netflix.. Horror movie.....
*****
Jude's P.O.V.Kasalukuyan kaming nanunuod ni Candy ng isang horror movie. Actually hindi ko naman naeenjoy yung movie eh though mahilig ako sa horror pero hindi ko na-enjoy this time, in fact mas na-enjoy ko yung time na 'to ngayon na nakatingin ako kay Candy na ngayon ay takot na takot na. Haha.
And cute niya putcha.
*****
Candy's P.O.V.Natapos na 'yung panonood namin ng movie ni Jude at talagang natakot ako ng husto doon.
Nagpaalam na din samin si Jude na uuwi na siya.
"Bye Dy, bye ate Sweet."paalam niya.
"Sige, bye na din Jude sasabihin na lang namin kay papa na umalis ka na."sabi ni ate.
"Sige po una na ko."sabi ni Jude.
"Bye Jude!"sabi ko.
"Bye Dy! Ingat ka lagi ha? Mamahalin pa kita."sabi niya at umalis.
"Haha. Alam mo sis? Boto ako sa lalaking iyon para sa iyo. Ang galang niya at sweet sayo eh."sabi ni ate.
"Haha. Ang sarap nga niyang kasama eh. Komportable ako sakanya, ate."
"Kung ano man ang magiging desisyon mo sakanya, sis. Susuportahan ka namin."sabi ni ate at ngumiti.
"Salamat ate."sabi ko at niyakap siya.
*****
Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na gising na ang diwa ko, at dahil mamaya pa naman ng klase ko ay napagdesisyonan ko na magjogging muna saglit.Naghilamos muna ako at nagtoothbrush at bumaba na papuntang kusina.
Uminom lang ako saglit ng tubig at tsaka umalis na.
Sinuot ko na rin ang earphones ko habang nagjojogging. Minsan ay sumasabay din ako sa kanta.
*****
7:00 na nang tumigil ako sa pagjojogging at umuwi na ng bahay.Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng bahay ay naamoy ko na agad ang niluluto ni mama.
"WAAAAH! SPAM!!!"sabi ko at tumakbo papuntang kusina.
Nakita ko kaagad ang nakahaing spam sa mesa. Ay lab yu spam T__T
Favorite ko talaga 'to.
"Haha. Kahit kailan talaga 'nak ang hilig mo sa spam."sabi ni mama na tumatawa.
Umupo na ako at nagsimula nang kumain, sumabay na din si mama sakin.
Nang matapos ay niligpit ko na ang pinagkainan namin at nagtungo na ng kwarto para makapaghanda sa klase.
*****
"Ma, alis na po ako."paalam ko. Hindi na ako nakapagpaalam kay ate at papa dahil natutulog pa sila."Sige. Take care."sabi ni mama.
Nagpahatid na ako sa driver namin papuntang school.
Pagkarating ko sa school ay nakita ko si Klent sa parking lot, sa tingin ko ay kakapark niya pa lang sa sasakyan niya dito.
"Klent!"tawag ko sakanya at napalingon naman siya sakin.
"Oh Dy. Balita ko nakauwi na daw 'yung papa mo?"tanong niya, tumango naman ako.
Kinamusta niya pa si papa sakin at sinabi ko naman na okay lang, doing great, at gwapo pa rin... Charr!
*****
Lunch break na ngayon at nandito kami ngayon ni Jude sa may garden ng school.Kanina lang nung natapos 'yung klase namin bigla akong hinila ni Peach at Rose na kanina pa nag-aabang sa labas ng classroom namin at dito nila ako dinala tapos nadatnan namin si Jude na nakaupo sa mga damo tas ayun iniwan nila kaming dalawa. Kumindat pa sila sakin bago umalis, mga traydor!
"Kumain ka na ako nagluto niyan."sabi niya pa na parang nahihiya.
Tinikman ko naman 'yung luto niya. Ang chalap!
"Nagustuhan mo ba 'yang adobo?"tanong niya.
"Ang sarap nga eh!"
"Nagpaturo lang ako kanina kay yaya kung pa'no 'yan lutuin."sabi niya sabay ngiti.
Kumain naman kami at nagkwentuhan. Ang gaan naman pala kasama ni Jude.
"You know, Dy. When I first met you I honestly didn't know you were gonna be this important to me."sabi niya.
Napatigil naman ako.
Lub dub lub dub
Napahawak naman ako sa tapat ng puso ko...
Tumitibok na naman ba ito sa pangalawang pagkakataon? At kay Jude siya tumibok? O tumitibok lang talaga siya dahil buhay ako?
*****
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Loving You
Teen FictionSi Candy Reyes isang normal lang na estudyante sa Lion University. Ngunit sa di inaasahan minahal siya nang isang sikat na lalaki sa kanilang school. Pero sino kaya ang lalaking iyon?? Mamahalin din ba niya pabalik ang lalaking iyon?? Will she say t...