Candy's P.O.V.
Nandito na ako ngayon sa school at mamaya pang lunch kakantahan ko si Jude.
Habang nagtuturo si prof ay lutang ang isipan ko.
Magugustuhan kaya ni Jude 'to?
Natapos ang dalawang subject at ngayon ay lunch na nang biglang nagtext sakin si Aldrin.
From: Aldrin
Dy, kami na ang bahala kay Jude, ite-text na lang kita kapag malapit na kami sa garden.
Nagreply naman ako.
To: Aldrin
Sige. Thank you talaga Aldrin ha? Don't worry tutulungan kita kay Rose. 😉
Nabigla ako nang bigla siyang tumawag sakin.
"Oh Aldrin?"tanong ko sa kabilang linya.
[Dy, paano mo nalaman?]may bahid ng pagkabigla sa boses niya.
"Haha. Obvious kaya, pero knowing Rose manhid 'yun eh kaya don't worry, sa tingin ko hindi pa niya alam na gusto mo siya. Haha."sabi ko.
[Putcha. Sekreto lang natin 'to Dy ha?]
"Oo naman. Haha. Pero hindi ako sigurado."sabi ko at napangisi.
Mwuahahaha!
[Dy!]
"Haha. Joke lang ano ka ba. Sige pupunta na ako ngayon sa garden. Kita na lang tayo dun."sabi ko at in-end na ang call.
Hawak-hawak ko ang gitara habang papunta ako sa garden at kasama sina Peach at Rose. Manunuod lang daw sila sa gilid. -__-
"Omo, kaya mo 'to Dy!"pagchi-cheer sakin ni Peach.
"Grabe, hindi naman ako sasabak sa digmaan."sabi ko at napatawa naman sila.
Nang makarating kami sa garden ay agad akong umupo sa bench at hinintay ang text sakin ni Aldrin, habang sina Peach at Rose naman ay umupo sa bench na medyo malayo sakin.
Narinig kong tumunog ang phone ko at pagkakita ko ay may text sakin si Aldrin.
From: Aldrin
OTW.
Uwaaah! On the way na sila! Kinakabahan ako!
Huminga ako nga malalim at hinawakan ng mahigpit ang gitara ko.
Napalingon ako sa entrance ng garden at nakita ko si Aldrin, Sam, at Luke na hawak-hawak si Jude na nakablindfold.
Pinaupo nila ito sa upuan na kaharap ko lang.
"Anong trip na naman ito?"tanong ni Jude kina Aldrin. Hindi niya kasi alam na nandito din kami nina Rose at Peach.
Lumapit sakaniya si Aldrin at sinenyasan niya ako na tatanggalin na daw niya ang blindfold.
Tumango ako sakaniya at humigpit ang hawak ko sa gitara.
Unti-unti niya itong tinanggal at nang natanggal na ay gulat na napatingin sakin si Jude, ngumiti lang ako sakaniya.
Please play while reading- Two is better than one by Boys like Girls.
Nagstrum na agad ako ng gitara at sa bawat strum ko ay ramdam ko ang kaba sa aking buong katawan.
"I remember what you wore on the first day
You came into my life and I thought
'Hey, you know, this could be something'
'Cause everything you do and words you say
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Loving You
Teen FictionSi Candy Reyes isang normal lang na estudyante sa Lion University. Ngunit sa di inaasahan minahal siya nang isang sikat na lalaki sa kanilang school. Pero sino kaya ang lalaking iyon?? Mamahalin din ba niya pabalik ang lalaking iyon?? Will she say t...