Chapter 35 - Gusto na kita

3 1 0
                                    

Candy's P.O.V.

Nandito na ako ngayon sa room at katatapos lang ng lunch namin ni Jude sa garden nang nakita ko na papalapit si Hannah sakin.

"Alam mo ba? Balita ko may ibang babae na ngayon si Jude? Francine daw."sabi niya sakin.

Girl huli ka na sa balita!

"Talaga full name niya?"tanong ko na lang at tingnan siya na parang bored na bored. Alam ko naman na pinsan lang talaga ni Jude si ate Francine eh, ang sarap lang talagang asarin si Hannah.

"Francine Eliver. Ang totoong nag mamay-ari ng puso ni Jude."sabay smirk niya sakin.

"Kausap mo?"pangbabara ko sakanya. Pumula naman ang mukha niya sa galit.

"Pagkatapos ni Luke, si Jude naman? Sinong susunod? Si Aldrin? Si Sam? Ganun ka ba kalandi?"

Tumayo ako at tinignan siya mata sa mata.

"Hindi ako malandi dahil hindi naman kita kapatid."

"Nakakainis ka! Inaagaw mo lahat ng lalaki!"sabi ni Hannah, at dahil doon ay napataas ang isang kilay ko.

"Uhuh. Naiinis ka saken? Pwes, hindi ka mapapaganda nun."banat ko.

"Ikaw 'yung hindi na gaganda."sabi niya.

"Kasi matagal na akong maganda."

Mas lalong namula 'yung mukha niya dahil sa galit.

"Hindi pa tayo tapos."pagbaba-bye niya saken (-__-)

"Talaga? Eto sampu."sabi ko at binigyan siya ng sampung piso.

"Aanhin ko naman 'to?"tinaasan niya ako ng kilay.

"Bili ka kausap mo."sabi ko at nagsmirk sakaniya.

"BOOM!! SAVAGE!"pangungutya ng mga kaklase ko kay Hannah.

Umupo na ako at siya naman ay umalis na na pulang-pula na ang mukha sa galit.

*****
Nandito kami ngayon ni Jude sa cafeteria at kaming dalawa lang ang magkasama. Sina Rose at Peach? Ayun kaway nang kaway samin sa kabilang table na parang inaasar pa kaming dalawa ni Jude. (-__-)

"Anong gusto mong kainin, Dy?"tanong ni Jude.

"Ahmm.. Siguro lasagna, steak, at softdrinks na lang, Jude."sabi ko.

"Sige. Hintayin mo lang ako dito ha?"sabi niya at umalis na para bumili.

Kinuha ko na lang muna ang cellphone ko at tinignan ang mga na sa newsfeed ko.

May nakita pa akong nagpost na may girlfriend na daw talaga si Jude at si Francine Eliver 'yun. May mga nagcomment pa na.

Thea Lozana-Eh diba nililigawan ni Jude si Ms. Campus?
Sierra Montero- @Thea Lozana oo nga noh? Baka fake news lang 'to na may girlfriend na daw si Jude.
Genevieve Roxas- @Sierra Montero baka nga.

Hindi ko na nabasa pa 'yung iba dahil dunating na si Jude. Ang bilis naman ata niya?

Nilagay niya 'yung mga pagkain namin sa mesa.

"Jude... Sa facebook kasi... Usap-usapan kayo ni ate Francine na---"

"Ako nang bahala dun. Lilinawin ko lang sa kanilang lahat ang totoo."sabi niya at ngumiti. Napangiti na rin ako.

"Ahm.. Jude, nay sasabihin sana ako sayo."sabi ko. Sasabihin ko na ba na gusto ko na siya?

"Ano 'yun?"hiniwa niya 'yung steak ko.

Kyaaah! 'Di pa ko ready!!!

"W-Wala na lang pala."naramdaman ko na uminit 'yung pisngi ko. Waaaah!!!!

"Haha. Sige na, sabihin mo na."pangungulit niya.

Waaaaah!! Hewp meh!!

"Bakit? Crush mo ko 'no?"sabi pa niya.

Waaaaah!!! First time kong magkaganito sa isang lalaki!

Mas lalo namang pumula 'yung pisngi ko.

"H-Ha? H-h-hindi ah! Ang y-yabang m-mo!"waaah! Bakit ba ako nauutal!?

"Talaga?"inilapit niya 'yung mukha niya sakin.

"H-hindi!"

"Weeh? Eh ba't ka nauutal?"mas-inilapit niya pa 'yung mukha niya sakin.

Waaah! Isang maling galaw lang maaaring maglapat na ang mga labi namin!

"K-kasiiii...."

Lumayo na siya. Phew~

"Haha. Ang cute mo talaga, Dy."

Cute raw ako? Psh. Jude naman! Matagal ko nang alam 'yan!

*****
Nandito kami ni Jude ngayon sa kotse niya at hinahatid niya ako sa bahay namin.

Pagdating sa bahay sinalubong agad kami ni papa at mama. Humalik naman ako sa pisngi ni mama samantalang nagmano naman ako kay papa.

"Tito, tita magandang gabi ho."magalang na sabi ni Jude sakanila.

"Nanliligaw ka parin kay Candy?"tanong ni papa. Napatingin naman ako sakaniya.

"Bakit po pa? Hindi niyo ba gusto si Jude para kay Candy?"tanong ni ate Sweet na kadadating lang--galing siya siguro sa pool.

"Haha. Ang totoo gusto ko nga siya para kay Candy eh. Nagtataka lang ako kung kailan ba siya sasagutin netong si Candy."sabi ni papa.

Nakita kong ngumiti lang si Jude at napakamot ng ulo... Nahihiya siya siguro.

"Papa naman!"reklamo ko.

"Haha."

"Jude, baka hinahanap ka na sa inyo. Pagpasensyahan mo na si Carlo ha."sabi ni mama.

"Okay lang po, tita. Sige po una na po ako tito, tita, ate Sweet, Dy."paalam niya.

"Oh Dy? Ihatid mo na si Jude. Huwag ka nang mahiya."sabi ni papa.

"Papa."tumawa lang si papa.

Hinatid ko nga si Jude sa labas ng gate.

"Ahmm.. Jude, may sasabihin sana ako sayo."

"Ano 'yun?"

"Eh.. Nahihiya ako."sabi ko.

"Huwag ka nang mahiya. Ako lang 'to oh. Ang lalaking mahal na mahal ka."powta naman Jude eh!

"Eh Jude..."lumapit ako sa tenga niya at binulong 'yung sasabihin ko.

".....Gusto na kita."

Napatakip na lang ako sa mukha matapos kong sabihin 'yun.

Kinuha niya 'yung kamay kong nakatakip at hinawakan niya 'yun.

Tinignan ko siya at nakangiti siya ng malapad.

Niyakap niya agad ako ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita, Dy."sabi niya.

Waaaah! Cloud nine!

*****

Unexpectedly Loving You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon