Chapter 13 - Saving my queen

21 3 3
                                    

Guys please lang huwag po maging silent reader please (*_________*) thank you!!

BTW enjoy Reading <3

****
Candy's P.O.V.

Nandito kami ngayon ng mga friends ko sa mall. Napagtripan lang namin namamasyal hindi na kasi kami nakakabonding dahil sa mga assignments at projects namin sa school eh, kaya eto kami ngayon sinusulit 'to.

"Girls doon muna tayo kumain sa Jollibee oh. Favorite ko doon."sabi ko sa kay Peach at Rose sabay turo nang Jollibee.

"Sige napapagod na rin naman ako eh dami na nating nabili nakalimutan tuloy natin ang kumain."sabi naman ni Rose.

"Tara order na rin tayo."sabi naman ni Peach.

Pagpasok namin nagpresinta agad si Peach na siya na ang magoorder ng mga pagkain namin at kami naman ni Rose hahanap ng mauupuan namin.

"Dy doon tayo oh sa gilid."sabi ni Rose sa akin sabay turo ng apat na upuan na magkaharap.

"Sige diyan tayo. Kaya nga lang apat yung upuan eh tatlo lang tayo eh."

"Okay lang yan, kung mayhihiram ng isa edi kunin nila. Nako! Tayo na Dy baka maagawan pa tayo."

Umupo na kami doon. Si Rose sa harap ko at sa gilid naman niya uupo si Peach.

Okay lang sa akin na wala akong katabi, bakit kailangan ba talaga ng may katabi ka?

"Dy matanong ko lang diba sabi mo sa amin na sinabi mo kay Luke na patunayan niya na mahal ka niya?"tanong sa akin ni Rose.

Oo, sinabi ko na sakanila 'yun matapos yung paguusap namin ni Luke.

"Oo bakit?"

"Wala lang dahil baka isabi niya sa buong mundo na mahal ka niya ah kasi sabi mo patunayan niya. At dahil doon baka torturin ka ng mga babae diyan na nagkakagusto sa kaniya."natatawang sabi ni Rose.

Nagkuwentuhan lang kami ni Rose hanggang sa dumating si Peach na may dalang dalawang fried chicken, tatlong coke, tatlong burger, dalawang spaghetti, at isang sundae at fries my favorite (*Q*)

Nagsimulan na kaming kumain, pero sila nagkuwekwentuhan. Hindi na ako sumali wala lang, wala lang kasi ako sa mood dahil parang may isang tao akong gustong gusto kong makita,  dahil namimiss ko siya? (?__?)

Maya maya bigla silang natigilan sa paguusap at napatingin sa likod ko bakit may multo ba sa likod ko? (O__O)

Nilingon ko kung sino ang kanilang titinitignan sa likod ko. Pagkalingon ko nakita ko ka agad ang lalaking nagconfess sa akin nung nakaraan-- si Luke.

"Mind if I join you?"pagtatanong niya sa amin.

Sasagot pa lang sa ako 'Yes'ng biglang sumagot sila ng sabay.

"No."

At kung minamalas ka nga naman. Bakit ba may upuan dito sa tabi ko nabakante? Dito siya umupo sa tabi ko tuloy na iilang ako eh. Pwede bang sipain ang upuan at gibain na lang?

Pag-upo niya sinipa ko ka agad ng palihim sa ilalim ng mesa silang dalawa. Kaasar eh. Pero binigyan lang nila ako ng nakakaasar na ngiti at bigla silang nag-wink sa akin. Grr~~

"Sige oorder lang ako ng pagkain para sa akin." sabi ni Luke sa amin at tsaka umalis na siya para mag-order.

Sinamaan ko ka agad ng tingin ang dalawa.

"Humanda kayong dalawa sa akin mamaya."sabi ko sa kanila ni Peach at Rose.

"Peace." at nag peace pa sila sa akin.

Unexpectedly Loving You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon