Chapter 38 - The training

3 1 0
                                    

Author's note: Eto po 'yung nangyari kay Jude bago pa mangyari ang araw ng operation nila.

Enjoy reading <3

*****
The day before the Operation: PSC..

Jude's P.O.V.

Isang araw na ang lumipas at tama nga sina Peach at Rose, hindi na ako masyadong pinapansin ni Candy.

Tanging tango at iling lang ang kaniyang sinasagot sa tuwing kasama niya ako.

Kaya nagkita kami sa bahay nina Rose--wala namang malisya sakin 'to na nandito ako sa bahay ng isang babae kasi para naman 'to kay Candy. Fuck that malice!

Please play while reading - Gusto ko lamang sa buhay by Itchyworms

"Ok, Jude, kailangan nating ng set up."sabi ni Rose.

Sinabi nila ni Peach sakin 'yung magiging takbo ng plano namin.

Napangiti ako ng malapad.

"Ano? Game ka?"tanong ni Peach.

"Oo naman."

Umalis naman si Peach at pumunta sa kung saan.

"Ok, kailangan natin i-practice 'yung mga lines at gagawin mo."sabi ni Rose at bigla siyang pumalakpak.

Biglang lumabas si Peach dala-dala ang isang malaking litrato ni Candy na mula ulo hanggang paa.

Fuck?

Ayokong maghintay sa imposible

Ayoko ng mga romantikong sine

Ayoko nang umasa pa sa walang silbi

"Kailangan mo siyempre ng mapagpractisan ng mga lines mo. So eto.. Tada!"sabi ni Rose.

May binigay namang script sakin si Peach.

"Kami na ang bahala sa mga set up. Ang kailangan mo lang gawin ay sauluhin ang script at gawin ang mga nakasaad diyan."tugon ni Peach at napatingin ako sa script.

Ayokong tumawid 'pag pinagbabawal

Ayoko ng kapeng maraming asukal

Ayokong bumili ng underwear na mahal

"Jude naman! Konting emosyon! Kala ko ba gusto mong pansinin ka ulit ni Candy?"reklamo ni Peach.

"Ok, ok."

"Ulit! Take 12!"

Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako

Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako

Hindi naman ako milyonaryo

"Jude! Huwag mong tamisan ang boses mo! Dapat malamig!"napasapo naman sa noo si Rose.

"Eh kinikilig ako 'pag nakikita ko si Candy eh!"sabi ko.

Basta't araw-araw yakap mo ko

Feeling ko ang yaman-yaman ko..

"Jude! Ba't ka nagba-blush!?"sabi ni Peach.

"Eh ang ganda ni Candy sa picture eh! Damn! Pwedeng hingin pagkatapos?"sabi ko.

"JUDE!"

Ok lang kung 'di maging presidente

Ok lang kung mawalan ng kuryente

Ok lang ang bumbilyang walang sindi

"Diba hate na hate ni Dy ang slime na ang kulay ay green?"tanong ni Peach samin. Totoo 'yun, minsan nang naikwento sakin 'yun ni Candy. Kadiri daw tignan 'yun.

Tumango naman kami ni Rose sakaniya. Ngumiti naman ng nakakaloko si Peach.

Binulong naman niya samin ang na-isip niya.

Okay lang kung ketchup lamang ang ulam

Ang gulay ay hindi naman kailangan

Basta't sa sandwich mo ako ang iyong palaman

"WHAT!?"nag-react kaagad ako nang malaman ko 'yung plano ni Peach.

"Eh paano 'pag wala siyang pamalit?"dagdag ko pa.

"Chill ka lang, kami nang bahala diyan. Gagamitin natin 'yun para maiyak siya lalo."sabi ni Peach tapos ngumiti pa siya ng nakakaloko.

Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako

Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako

Hindi naman ako milyonaryo

Basta't araw-araw yakap mo ko

Feeling ko ang yaman-yaman ko

"Pwedeng pahinga muna?"tanong ko na hinihingal na. Pagod na koooooooooo.

"Bawal. Ulit! Take 32!"sabi ni Peach

"Pagod na ko!"reklamo ko.

"Gusto mo bang hindi ka pinapansin ni Candy?"sabi naman ni Rose.

Waaaaah!

Feeling ko ang yaman-yaman ko..

"Can you stop following me?"sabi ko sa litratong si Candy.

"Jude, konting lamig pa!"reklamo ni Peach.

"Bakit ba ganito ang nakalagay sa script? Eh paano kapag hindi naman siya sumusunod sakin?"reklamo ko naman.

"Susunod 'yan!"sagot nilang dalawa.

Ang dami ko pang sinasabi

Tungkol sa aking sarili

Lahat ng 'yun di na bale

"Take 51!"sabi ni Rose at Peach nang matapos kong sabihin sa litratong Candy ang nakalagay sa script na hawak ko.

Ikaw lang ang importante...

"Tumingin ka sa kaniyang mga mata at dapat malamig ang titig mo ha!"sabi ni Rose.

Waaah! Hindi ko kayang tumingin ng ganun kay Candy! Pero para pansinin na niya ako, kakayanin ko.

Yakapin mo ako

Lunurin sa iyo

Sa loob ng iyong bisig

Dama ko ang iyong pag-ibig..

"Ok! Miryenda muna tayo!"sabi ni Rose sabay lapag ng tatlong orange juice, tatlong lasagna, at tatlong slice ng pizza.

"Salamat naman!"sabi ko.

Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako

Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako

Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako

"Perfect!"sabi nilang pareho at napapalakpak pa.

Hindi naman ako milyonaryo

Basta't araw-araw yakap mo ko

Feeling ko ang yaman-yaman ko

"Basta tumingin ka sa mga mata niya. Lamigan mo ang boses mo at huwag kang magba-blush! Understood?"napatango naman ako sa sinabi ni Rose.

Feeling ko ang yaman-yaman ko...

"Tatawagin natin itong.. Operation: Pa-iyakin si Candy."sabi ni Peach.

*****
Sorry guys! Short update! Bawi po ako sa susunod na chap!

Kindly hit the star button below, thanks!

Unexpectedly Loving You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon