Guys sorry kung ang mga chapter ngayon ay puro mga iyak at sad moments😅😆😆.
<3
*****
Candy's P.O.V
"What!?!?"sigaw ng dalawa kong bestfriend. Sinabi ko kasi sa kanila ang nangyari.
"Umiyak ka ba?*tango* Candy ang mga ganung lalaki hindi karapat dapat iniiyakan."paalala sa akin ni Peach.
May pagkaweird yung mga bestfriends ko nung kumain kami sa jollibee panay asar sila sa akin ngayon tignan mo kung ano na ang nangyayari sa kanila.
By the way nandito kami ngayon sa bahay namin tinawag ko silang dalawa para sabihin sa kanila ang mga nangyari para naman mabawasan ang mga sama ng loob ko kapag sinabi ko sakanila.
"Maliban na lang kung........."sabi naman ni Rose.
"Mahal mo na siya."sabay na sabi nilang dalawa.
Aaminin ko MEDYO mahal ko na si Luke, pero hindi pa iyan sapat para sagutin ko siya.
May biglang tumawag sa akin si Justin.
"Sino 'yan?"tanong ni Rose.
"Si Justin."tumango naman sila kilala na nila si Justin eh.
Sinagot ko na yung tawag niya sa akin.
"Hello Justin?"
"Hi Dy, tatanong lang ako kung pwede ka?"
"Oo, bakit?"
"Punta kayo dito sa Midas Bar isama mo ang mga kaibigan mo, birthday ko ngayon magcecelebrate lang tayo dito Dy."
"Oh birthday mo pala Justin happy birthday ha. Sige pupunta kami diyan mamaya."
"Bye Dy."
"Bye."at inend ko na ang call.
"Ano raw ang sabi?"pagtatanong sa akin ni Peach.
"Birthday pala ngayon ni Justin ininvite niya tayo sa Midas Bar para doon icelebrate ang birthday niya."pagpapaliwanag ko tumango naman sila.
"Sige pupunta kami."
"Bili muna tayo ng regalo tara na."yaya ni Rose.
*****
Pagkatapos naming bumili ng regalo para kay Justin ay pumunta na kami ng Midas Bar. Pagkarating namin sa loob nakita namin kaagad sina Justin at.........oh no.... What the fudge is he doing here!?!? Alam niyo naman siguro kung sino siya he's Luke. (_ _ )"Don't worry Dy we're here."pagpapalakas ng loob sa akin ni Peach.
Ngumiti lang ako sa kanya bilang assurance na okay lang talaga ako.
Lumapit kami sa table nila at bumati agad kami kay Justin ng happy birthday.
Umupo kami sa upuan at binihay agad namin ang aming regalo kay Justin.
Nagkuwentuhan kami nang may biglang dumating na tatlong lalaki na may kasamang tatlong babae. Nalaman ko na mag pinsan pala sila ni Justin at ni Luke at kilala rin ni Justin ang mga kaibigan ni Luke.
"Jude, Aldrin, Sam nandito na pala kayo."sabi ni Luke sa kanila so sila pala ang mga kaibigan ni Luke na sikat rin sa aming paaralan.
"Sino nanaman yang kasama niyo?"tanong ni Justin sa tatlong lalaki na si Sam, Jude, at Aldrin.
"Ah bro happy birthday si Nikka nga pala fiance ko....... At!! Seryoso ako sakanya."proud na sabi ni Jude habang ipinapakita sa amin ang isang babae ang ganda niya parang dyosa hanggang bewang ang buhok niya at ang tangkad niya.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Loving You
Teen FictionSi Candy Reyes isang normal lang na estudyante sa Lion University. Ngunit sa di inaasahan minahal siya nang isang sikat na lalaki sa kanilang school. Pero sino kaya ang lalaking iyon?? Mamahalin din ba niya pabalik ang lalaking iyon?? Will she say t...