Chapter 11

343 10 0
                                    

Chapter 11

Nagising ako sa marahan na haplos ni mommy. Katabi niya si daddy at si Ria na may hawak na cake.

"Happy 17th birthday Hailey Zairyl!" Sabay sabay na bati nila at humalik saakin.

My heart is full. Naiiyak ako.

"Thanks mom! Thanks dad! Thanks Ria!" Niyakap ko pa sila ng isang beses.

"We'll give your present tonight in your birthday dinner." Ngumiti si mommy pagkasabi noon.

Being with them is a great gift already. In this life I have been blessed abundantly, and who am I to still complain for not having the other things that I can't have?

Nag ayos na kami ni Ria at nag handa, my parents will run some errands regarding the business but I'm sure they'll go home before the dinner.

"Hailey! Ria!" Sigaw ni AC ng mamataan kami. They have arrived!

"Oh my gosh! I miss you both!" Hinalikan at niyakap niya kami ng matagal.

"We miss you too AC! Ibang-iba na noong nag mag move ka to the US!" Madrama na sabi ni Ria.

"Oo nga! This feel so nostalgic!" Sabi ko at Niyakap ko pa siya ng isang beses.

We were really close back in grade school kaya malungkot noong umalis siya.

"By the way Haiz happy happy birthday!" Malambing siyang ngumiti saakin at saka ibinaling ang tingin sa paparating na si Kegann.

Ngumiti ng malawak si Kegann at ini abot saakin ang hawak niyang pink roses.

"Happy birthday Haiz." Masuyong sabi niya.
Niyakap ko siya bilang pasasalamat.

"Thank you guys for being here for my birthday. I'm so happy!" I honestly said.

Hindi ko man nakuha ang lahat ng gusto ko sa buhay ay sobrang sapat na ang mga meron ako. I should be greatful and really happy dahil hindi lahat ng tao ay meron kung anong meron ako.

Nag agahan muna kaming lahat bago dumeritso sa napagkasunduan namin para sa araw na ito.

We'll explore bali and take more pictures.

Marami kaming water activities na naisipan gawin ngunit Excited lang ako sa pag je-jetski dahil hindi naman ako sporty na tao same with Ria and AC, si Kegann lang iyong sporty saamin.

Panay ang sigaw ko at nila Ria sa sobrang kaba, excitement at kung anu-ano pa.

Hindi ko din alam kung pano kami napapapayag ni Kegann na sumubok sa mga water activity na hindi ko pa noon nasusubukan.

"That was so fun!" Sabi ni Kegann habang nag lalakad na kami sa puting buhangin papunta sa isang restaurant upang mananghalian. It's late lunch dahil 2pm na.

"It is!" Segundo ko. He smiled very dearly to me.

"Are you happy?" Tanong niya. All eyes on me.

"Yes. Sobra." That's true. Ilan araw at gabi akong umiyak para sa pag ibig na hindi ko makamtan.

Ngayon nalang ako ulit nakaramdam ng saya.

"I'm glad. What I'd give to see you happy." Namula ako sa sinabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin.

Madramang umubo si AC.

Napatingin ako sakanya at lalong namula ng na realise na malamang narinig nila iyon.

"Just letting you guys know Ria and I are here we're able to hear the cheesiness!" Kumindat siya saamin at humalakhak.

"Kung hindi lang tayo nagbabad sa init ay iisipin kong sobrang kilig mo dahil sa sobrang pula mo." AC then again commented.

Saudade [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon