Isa lang akong normal na babae-normal naman ang paglalaro ng computer, 'di ba? Normal 'yun. Isa lang akong normal na babae, 'di ako bakla o tomboy at kahit isang beses, hindi ako natawag na ganiyan. 'Di naman masamang magmahal ng babaeng katulad ko 'di ba? Basta 'wag niya lang malaman, legal 'yun. Ang hirap mabuhay ng iniibig mo ang taong alam mong hindi mo abot at maabot, pero...
"Huy! Anong nangyare sayo?" Ah. Natulala na naman ako. Tumingala ako para makita si Eliza na masama na naman ang tingin sa akin.
"Masama bang matulala?" inirapan na lang niya ako. Lagi naman eh.
"Basta! Halika na! Uwian na oh. Bakit? Ayaw mo umuwi? Edi huwag kung ayaw mo!"
Nagulat ako nang umalis siya ng padabog, iniwan akong naka-upo para lumabas ng silid, "Huy!" sigaw ako ng sigaw kaya lang no choice na naman ako.
Nakakabadtrip naman!
Kinuha ko ang bag ko at sumunod sa kanya. Nakakainis talaga.
Pero, mas mahirap ang hindi mo maipahayag sa kaniya ang nararamdaman mo. Kaya sana naman, kahit isang beses, maabot ko rin ang tuktok ng imposibleng bundok.
---
7/8/20
A/N: I changed BGC to Void (・ิω・ิ).

BINABASA MO ANG
Will My Love Ever Reach?
Romantizm(8/5/20) Sundan ang kwento ni Angelica Scheyler kasama ang kaniyang mga kaibigan, kung paano niya pinagdaanan ang high school habang nananatiling may gusto sa kaibigan niyang kapwa niyang babae. Mananatili kaya itong naka tago, o maaamin niya kaya i...