Wala nang ikaw at ako

535 4 0
                                    

Written by:Marielle M. De Castro

Pangako yan ang sabi mo
Na hindi ka susuko
Sa anumang delubyo
Sa huli ay ikaw at ako

Pero bakit biglang nagbago?
Bigla ka na lang naglaho
Napunta sa ibang tao
Ang pag-ibig na sa akin ay inalay mo

Aasa pa ba ako?
Maghihintay pa ba sayo?
Kahit na alam ko
Na wala nang tayo

Minsan iniisip ko
May pag-asa pa ba ako
Na makalimot sayo
At sundin ang kanilang mga payo

Dahil lagi akong talo
Sa pag-ibig na ito
Na kahit anong tatag ko
Kulang na lang ay sumuko ako

Mahal kita.,Oo
Pero sobra na ang aking sakripisyo
Ginawa ko na ang lahat ng pagsuyo
Pero mukhang walang epekto

Ang dami kong plano
Ngunit lahat ay nagbago
Simula nang ako'y iyong niloko
Parang mundo ko'y gumuho

Paano ko pa tutuparin ang aking pangako?
Kung wala ka na sa piling ko
Na nasa bisig ka na nang ibang tao
At hindi na ako ang mahal mo

Mahal,tuluyan na ba akong susuko
Na maibalik ang dating tayo
Tuluyan na nga ba akong natalo
Sa sarili kong laro

Marahil ito na nga ang dulo
Nang salitang Ikaw at Ako
Na magiging masaya ako para sayo
At dito ko na nga tatapusin ang kwentong ito....

By:Minezone_07
Pinapalaya na kita whaaaaaaa.....!!! Masakit na ehh

Limangpu't IsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon