Written by:Marielle M. De Castro
Mahal pasensya ka na
Kung iniwan kita
Batid mo naman na mahal ko ang aking pamilya
At hindi ko kaya na wala sila...Masakit sa aking pakiramam
Dahil hindi ako nagpaalam
Alam kong ika'y nasaktan
Sa aking paglisan...Gusto kong manatili
Sa iyong tabi
At makasama ka hanggang huli
Kaso hindi maaariMagkaaway ang ating pamilya
Kaya ayaw nila
Na magkasama tayong dalawa
Dahil hindi daw tayo para sa isa't isaTinakot nila ako
Na kapag hindi ako lumayo
May mangyayaring masama sayo
Kaya ako'y nagsakripisyoHindi ko sinabi sayo
Dahil alam kong di ka lalayo
Na ipipilit mo ang iyong gusto
At ako'y ipaglalaban mo...Ngunit nangangamba ako sa sinabi nila
Ayokong mapahamak ka
Dahil ikaw ang buhay ko
At kapag nawala ka parang patay narin ako...Sana maging masaya ka
Kahit wala ako sa piling mo
Tuluyan na kitang pinapalaya
Kaysa makulong ka pa sa bawal na pag-ibig na ito...