Written by:Marielle M. De Castro
Hindi man sigurado
Kung aabot ka ba sa dulo
Kasama ang iyong pangako
Na hindi ka susukoKaya humakbang na ako
Upang mas mapalapit sayo
Isa dalawa tatlo
Pagsisimula koNgunit bigla akong napahinto
Napaisip muli ako
Tama ba ang desisyong ito?
Na ako'y susugal sayoSusugal na ikaw ay hindi hihinto
Na hindi malilito
Na hindi susuko
Na ako lang ang mahalin moSusugal ako
Kahit natatakot sayo
Natatakot na bigla kang magbago
Na bigla ka nalang umurong palayoSusugal ako
Kahit hindi sigurado
Na ika'y lalaban kasama ko
Na hindi kailan man mang-iiwan sa duloApat lima anim pito
Sumugal na nga ako
Hindi na nagdalawang isip pa
Lahat ay aking itinayaNgunit sa pagsugal na ito
Mukhang ako'y natalo
Bigla kang nagtapon ng mga baraha
At muling nagbalasaSa bagong baraha na hawak mo
Hindi na ako ang iyong kasama
Kasama sa iyong mga plano
Dahil mukhang may bago ka naAng tanga ko ba?
Dahil ako'y umasa
Na ako'y iyong ipaglalaban
At hindi susukuanMarahil ang tanga ko nga
Dahil inisip na susugal ka
Na susubukan mo
Kahit hindi suguradoNgunit you play safe sa iyong laro
Dun ka sa sigurado
Na ika'y mananalo
Kaya ika'y nagpalit at nagbago
![](https://img.wattpad.com/cover/132731950-288-k836036.jpg)