Written by: Angel Tapayan
"Nakita mo, pero di mo pinansin.Alam mo, pero mas pinili mong balewalain"
Seen,
Nakita, nabasa, napansin
Kaya hindi ko mapigilang hintayin
Kahit matagal,pilit kong intindihinPaghihintay,
Naghihintay hanggang sa eyebags ay pumantay
Naghihintay hanggang sa katawan ay lupaypay
Naghihintay hanggang sa pag-asa ay mamatayItutuloy na lang hanggang sa magsawa
Itutuloy na lang hanggang sa tumigil na ng kusa
Kasi hindi habang buhay, magpapakatanga
Habang ikaw nagpapakasaya sa ibaSeen,
Masaya kasi napansin niya
Malungkot kasi hanggang doon lang talaga
Nakakaiyak kasi nakita mo na
Nakakaiyak kasi di mo pinag-aksayahan ng oras paSana naman kasi di mo tiningnan
kasi mas lalo akong nasaktan
Sana naman kasi di mo na inumpisahan
kung isiseen mo rin namanPara simula palang, alam ko ng wala akong aasahan.
__________________________
Vote,comment,spread....
Lovelots...Thanks Angel for this tula of yours😍
![](https://img.wattpad.com/cover/132731950-288-k836036.jpg)